Chapter 8

15 2 0
                                    

Chapter 8

Harriet's POV:

Lumabas ako sa school para pumunta sa hide out at para masabi ko ang nalaman ko tungkol sa kanina, at matanong kung may nalaman ba sila

Pero bago ako makalabas, may humarang saaking lalaki

Tsht..

Si Ryker sino pa nga ba?

"At saan ka pupunta?" tanong niya

"At anong pakialam mo?" seryosong tanong ko

"Hm! Mag-cucutting ka? Alam mo hindi na uso dito 'yang cutting na 'yan, kaya kung ako sayo babalik nalang ako sa klase ko" sabi niya

"Eh ano bang pakialam mo?" sabi ko

Biglang sumeryoso ang mukha niya kaya medyo natakot ako nakakatakot siya pag seryoso, pero syempre di ko pinahalata na natakot ako, hindi naman masyado

"Humanda kana ha, dahil sisiguraduhin kong hindi ka na tatagal dito, hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban mo. Alexandrine Harriet Dilan Ellison." sabi niya bago niya ako lagpasan

Napangisi din ako, ngayon alam ko na, na siya yung nag papakuha ng impormasyon ko sa buhay, pano? Secret.

Hindi mo rin ako kilala Griffin Ryker Wertheimer

Sabi ko sa isip ko, at naglakad na, pero bago makalayo may narinig akong tumatawag saakin, ako lang naman na kasi ang tao dito

"Iha! Hoy!" sabi nung nagtawag

Lumingon ako

"Balak mo bang mag cutting? Iha bawal yan first warning mo na ito ah, bumalik ka na sa klase mo" sabi ni manong guard, nag taka naman ako kung bakit siya nandito eh wala siya dito kanina

Nagpalingon lingon ako sa paligid at nakita ko si Ryker na ngingisi-ngisi sakin, at saka tumalikod. Bwisit ka

Siya nag sumbong kay Manong guard bwisit!

Sige pakasaya ka. Goodluck sayo. Sisiguraduhun kong talo ka sa labanang ito. Wow labanan

Wala na akong nagawa kundi ang bumalik nalang sa klase, mamayang uwian nalang siguro ako pupunta doon

Minor subjects lang naman ngayon kaya natapos din kaagad, at uwian na ngayon

Umuwi ako at nag palit doon, paalis na sana ako nang makita kong wala ang kotse namin ni Ads

Iniwan ako?

Pano na ako makakaalis ngayon? Ayaw ko pa namang mag-commute, lalo na't mag-gagabi na. Nasan ba pumunta yung Ads na yun? Bwisit naman!

Hindi na sana ako pupunta nang may marinig akong paparating na kotse kaya agad ko iyong tinignan, at laking tuwa ko ng makitang kotse namin ni Ads! Sa wakas

Bumaba kaagad ako, inaasahan kong bababa si Ads pero wala siya, kaya nag tanong ako sa driver niya, hindi pa kasi marunong mag drive si Ads

"Manong wala si Ads?" tanong ko

"Uh, Maam wala po nag pahatid po siya saakin, sunduin ko nalang po daw siya mamaya" sabi niya, napaisip ako dahil siguradong gagamitin uli tong kotse kaya hindi ko ito mahihiram

Hmm..

"Ako nalang po susundo sakanya" sabi ko

"Uh Maam sabi niya po kasi hintayin ko nalang po siyang mag text kung saan ko daw po siya sususnduin at saka pinagbabawal po ni Sir Winston na pagdrive(in) ko po kayo" sabi niya

Unexpected Arranged Marriage With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon