Chapter 12
Harriet's POV:
Naglalakad ako ngayon pabalik sa klase ko, iniisip ko pa din yung mga nalaman ko kanina kay Audrey. Hindi dapat ako magpadalosdalos sa mga gagawin kong plano
Hindi sila yung mga ordinaryong bully, dahil nananakit sila, kaya kailangan maka-gawa ako ng plano para hindi ako mapilitang umalis dito lalo na't gagraduate na ako at ayaw ko ng umalis, dito na ako gagraduate. Ayaw ko ding umalis dito si Meli nakakaawa siya, dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakaharap niya ang mga demonyo, at ngayon paparasuhan siya dahil sa pagharap niya sa mga yon ng hindi naman sinasadya.
Napaisip ako sa mga sinabi ni Audrey..
Flashback..
"Saka ano palang meaning ng 'REED'?" tanong ko
"Ang 'R' ang ibig sabihin ay Ryker sa 'E' na una Ethan sa pangalawang 'E' Ezekiel naman at sa 'D' Dirk. REED ang bansag minsan sa apat. At oo sila ang nag bigay sainyo ng card" sabi niya
Talaga bang tototohanin nila yung mga sinasabi nila? Akala ko pananakot lang pero hindi ko alam na kaya pala talaga nilang gawin yun sa mga inosenteng estudyante dito lalo na yung mga nakakabangga nilang hindi naman sinasadya
Masyado kasi silang uhaw sa kaguluhan. Nananakit sila ng taong walang laban, duwag ba sila? Psh.
"Uy sobra akong nag aalala sainyo lalo na sayo Harriet, ikaw ang main target nila. Babae ka man o lalaki iisa parin ang trato nila, kaya mag iingat ka palagi ha." may pag-aalala at paalala niyang sabi nag nod lang ako
End of flashback..
-
Hindi ko alam gagawin, nakatulala lang ako buong klase, minsan lang talaga ako makinig sa mga prof, nakakaantok sila magturo. Pero sabi ko nga nag a-advance reading ako para may maisagot ako sa mga test/exams or recit.
Wala parin akong maisip na plano, sa totoo lang nakakaramdam din ako ng takot sa mga yon dahil sa mga kwento nila Audrey. Sa tingin ko ay malakas ang kinabibilangan nilang gang dahil lahat ng tao dito sa University kahit hindi student hindi nila pinapalagpas. At natatakot din sakanila
Badtrip! Ang childish ng mga yon. Para yun lang ang OA naman kasi nung Briana na yun at etong Ryker naman under
Dismissal na at marami ng estudyanteng nag sisilabasan naghihintay ako ngayon dito sa isa sa mga bench dahil dito kami mag kikita kita, magmula kasi sa araw na toh sabay sabay na kami uuwi, ihahatid si Meli sa parking lot hanggang sa makaalis sila, tapos si Audrey hindi ko sure kung anong plano niya
"Ate Harriet!" tawag saakin ni Meli ng dumating siya maya maya pa ay dumating si Audrey na nakayuko, malungkot tapos may hawak hawak na card. Tinignan kong mabuti...wait?
Red card?
Bakit meron din siya non?
Oo ng pala, nakisali pa kasi sa away namin ni Briana na yun. Sabi ko kasi na wag na makialam eh, ayan tuloy..
Umupo siya ng bagsak balikat, malungkot at problemado yung itsura niya
Tumawa siya ng mapait "Akala ko hindi ako mabibigyan ng ganito" sabi niya sabay lapag sa mesa "May ginawa nga pala ako, nangialam nga pala ako doon" sabi niya
Tinap ko naman ang balikat niya habang si Meli ay hinihimas naman ang likod niya, parang maiiyak na kasi
"Talagang may kapalit yung saya ko kagabi. Cinonfirm niya ako kagabi, si Ezekiel bihira lang mag confirm yun, yung mga kakilala niya lang yung cinoconfirm niya kaya nagulat at syempre sobrang saya ko kagabi. Pero eto may kapalit pala yung pagiging masaya ko" sabi niya na parang naiiyak na.
BINABASA MO ANG
Unexpected Arranged Marriage With My Enemy
Teen FictionHarriet Ellison is the woman who joins riot but it is for people who are trampled by the rich or should I say flush. Their money is used for their personal gain and they're no longer thinking of other people who can't afford the money they have. The...