Chapter 14

8 1 0
                                    

Chapter 14

Karren's POV:

Sumama ako kay Harriet, dahil alam kong iyon na ang huling pagkakataon na makausap siya

Hindi ko makakalimutan ang banta ni Jericho saakin, totohanin man niya yun o hindi kailangan ko pa din mag bilin kay Harriet. Lalo na ang kapatid ko, alam kong nabubully siya sa school niya hindi niya lang sinasabi saakin

Nagkwento ako sakanya...alam kong magagalit siya dahil hindi ko sinabi sakanya yung ginagawa saakin ni Jericho..pero wala akong magagawa, blinockmail niya ako

Hindi ko lang sinabi na pinagbantaan ako ni Jericho

****

Harriet's POV:

Naikuyom ko ang kamay ko sa sobrang galit, parang gusto kong sugudin uli yung Jericho na yon at sapaksapakin

Hindi ko akalaing magagawa niya ang lahat ng yon kay Karren. Mapapaniwala na talaga ako dapat na totoong seryoso at mahal niya si Karren dahil sa mga pinapakita niya muntik na ako mapaniwala..

Nagsimula siya magbilin saakin na ikinatakot ko para bang mamamaalam siya saakin

Wag naman sana.

-

Pero hindi ako nagkamali dahil kinabukasan, nagmessage saakin ang kapatid niya na. Natagpuang patay si Karren, kaya agad agad akong pumunta sa bahay nila

Maraming police sa harapan ng bahay nila, dali dali akong pumasok pero hinarang ako ng isang police

"Maam hindi po kayo pwede dito" sabi nito

"Tanga ka ba? Kaibigan ko yun at kailangan ko siyang makita!" Sabi ko saka ko siya tinulak

Tinawag pa nila ako pero tumakbo agad ako papasok, marami akong nakita doon kung hindi pulis mga imbestigador. Nakita ko din ang umiiyak na kapatid ni Karren kaya agad akong lumapit sakanya

"Anong nangyari?!" Tanong ko

"T-tumawag saakin si Ate, nagbilin siya, umiiyak pa siya nung sinasabi niya yon saakin" sabi niya habang humihikbi

So tama ang hinala ko? Na may mangyayaring hindi maganda.

"Nasan siya? Sino nakakita?" Sunod sunod na tanong ko

"Pinuntahan ko siya kasi sa mga sinabi niya saakin. Pero huli na ako, nakita ko siyang nakahandusay sa sahig may mga gamot na nakapalibot sakanya" sabi niya

Ang pinaparating niya ba na nagpakamatay si Karren? Si Karren magpapakamatay? Pero hindi siya ganon. Oo, nagbilin na parang mamamaalam na pero alam kong hindi niya magagawa ang mga ganong bagay. Mabuti si Karren kilala niya ang Diyos at alam kung hindi niya magagawa yan

Lumapit ako sa isang pulis para magtanong "Nasan po si Karren?" Tanong ko

"Kaano-ano ka ng biktima?" Tanong niya, tss hindi yun ang tanong ko!

"Kaibigan ko po siya, matalik na kaibigan" paglilinaw ko "Nasan na po? Sino po ang may gawa nito sakanya?" Tanong ko

"Sorry Maam pero hindi po kami pwedeng magbigay ng impormasyon tungkol sa biktima ng walang pahintulot ng kaniyang kapamilya" sabi niya na ikinainis ko..kaibigan ako hello?!

Magsasalita pa sana ako ng may biglang magsalita sa likod ko

"Okay lang po na sabihin niyo sakanya" sabi ng nasa likod...Jericho

"Sige po" sabi naman pulis na nasa harapan ko, tss kapamilya ba yan?

Hindi ko na pinansin si Jericho, pero nakita kong namumugto yung mga mata niya, tsh umiyak? Bakit dahil nakonsensya siya? Psh!

Unexpected Arranged Marriage With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon