Chapter 11
Harriet's POV:
Naglalakad ako ngayon papunta sa unang klase ko, wala akong ganang maglakad kaya para akong zombie maglakad ngayon
Isa pang kinaiinisan ko ay kung paano ako tignan ng mga estudyante dito, makatingin kala mo naman...tignan pa naman ako mula ulo hanggang paa.
Habang naglalakad nakasalubong ko yung tatlong tao na nag chichismis at tungkol nanaman sakin. Tsht.
"Di ba siya yung sa cafeteria?"
"Oo nga siya yun"
"Nako, mukhang bago ata dito yan, mapapaalis kaagad"
"Bakit ano ba meron kahapon sa cafeteria?"
"Tanga! yan kase absent pa more"
"Tsk! Ano na kase?"
At sinabi niya sa kasama niya yung nangyare kahapon. Tss, ano naman kung ako yong nasa canteen? Ano bang pake alam nila? Yan ang hirap sa mga tao e, nangengealam sa buhay ng iba. Napapalibutan ng chismosa idagdag mo pa yung mga estudayanteng tingin ng tingin, kinukutya na ako sa utak.
Mayamaya bigla nalang akong napatid! Mali may pumatid sakin. Lumingon ako sa likod ko at tinignan ko ng masama yung pumatid saakin, at ngayon nakangiti siya.
Saya?
Badtrip toh ah, kaliit na tao nanghahamon
"Hm, mukhang hindi ka pa talaga nadala sa sinabi ko kahapon, ang lakas parin ng loob mong pumasok dito, hindi ka man lang nahiya" sarcastic na sabi ni Briana.
"Eh dito ako nag enroll eh alangan naman sa ibang school ako pumasok edi mas nakakahiya yon" inosenteng sabi ko, na mukhang ikanainis niya at yung mga galamay niya (alipores)
"Ang lakas naman ng loob mong pag sabihan ng ganyan ang Queen of Heart ng school!" sabi nung isang paki-alamerang galamay niya
Ano daw Queen of Heart? Reyna ng mga Puso?? Yan?! Reyna ng mga puso?! Pwe!
Ano nanamang kabaduyan ng school na toh? Psh! Pang high school lang ang mga ganyan for pet's sake college na kami! Tsh kakaiba talaga magpatupad ng rules ang University na toh, sino ba may-ari nito?
"Oo nga, palibhasa bago walang alam!" sabi nung isa pa niyang galamay na ikinainis ko, ano daw walang alam? Ako ba'y hinahamon mo?
"Tss, tara na girls hintayin nalang natin ang karma niyan, papalapit na din naman" nakangiwing sabi ni Briana saka ako tinalikuran, aba bastos ah! Di pa ako pinagsasalita!
Sumunod naman yung mga kasama niya pero lumingon mona silang dalawa na ikinunot ng noo ko, bigla nalang silang nag smirk at tinignan nila ako mula paa hanggang ulo bago sila tumalikod uli at sumunod kay Briana
May araw din kayo sakin!
At dahil sa pangyayaring yon mas lalo akong nabadtrip! Mas rumami pa ang nga estudyanteng tumitingin saakin.
Nakarating ako sa unang klase, natural huminto yung mga estudyante sa room dahil sa presensya ko dirediretso lang ako na naghanap ng bakanteng upuan
Bumalik na yung iba sa mga ginagawa nila pero may mga nararamdaman padin akong mga matang nakatingin saakin.
Nagsimula na yung klase natural boring, ewan ko kung may pumasok ba sa utak ko, wala naman akong pake, nag aadvance reading naman ako para kahit matulog ako sa klase walang manunumbat saakin na 'hindi na nga lang ako nakikinig, wala pa akong naisasagot sa mga tanong' kaya nag aadvance reading ako para kahit tanongin ako atleast may maisasagot ako
BINABASA MO ANG
Unexpected Arranged Marriage With My Enemy
Novela JuvenilHarriet Ellison is the woman who joins riot but it is for people who are trampled by the rich or should I say flush. Their money is used for their personal gain and they're no longer thinking of other people who can't afford the money they have. The...