Chapter 10

9 1 0
                                    

Chapter 10

Ezekiel's POV:

Andito kami ngayon sa hide out sa gang, at itong si Ryker ay nagpaplano kung paano mapapaalis si Xandrine sa University. Dahil siya ang main target, kailangan pagplanuhan, dapat mas malala ang mga gagawin sakanya

Tawag ko nga pala don Xandrine unique kasi at maangas pakinggan

"So what's the plan?" tanong ko

Ngumisi si Ryker. Hmm, mukhang maganda ang pinaplano niya ah. Sinenyasan niya kami na lumapit, binulong niya saamin ang gagawin namin.

"HAHAHAHA"

"HAHAHA" tawa namin

"HAHAHA g*go"

Maganda ang naisip niyang plano, mas masaya kaysa sa mga nakaraan naming naging main target noon, ngayon nalang kasi kami ulit nagkaroon ng main target

"Pano 'yong mga ibang kasama niya? Anong gagawin natin sa mga yun?" tanong ni Dirk

"Hm.."

Ako din mag-iisip...

Hmm...

Wala akong maisip HAHA

"We can just repeat our ways to others before" suhestyon ni Ethan

"Pwede rin" sagot ni Ryker. Pero mukhang nag-iisip pa rin siya ng iba

Naputol ang pag iisip namin ng biglang dumating si Alliana, may dalang wine

"Eto na" sabi niya

Alliana Velasquez, isa sa mga matalik na kaibigan ni Ryker, kaibigan ang turing ni Ryker kay Alliana pero napaghahalataan naman namin na may gusto siya kay Ryker. Hindi niya alam na may girlfriend na si Ryker kaya lagi siyang pinagsisilbihan at nagiging sweet kay Ryker. Siya lang sana ang nag iisang babae saaming grupo ngunit nag paaalam siya kay Ryker na kung pwede siya nag dag dag ng babaeng miyembro, mga nasa 40 pababa lang naman ang bilang nila kumpara sa mga lalaki na more than 50

Matalino at madiskarte si Alliana, marami siyang naitutulong saamin, nabiyayaan din siya ng magandang mukha pero kaibigan namin siya kaya hindi ko siya pwedeng ibilang sa mga chicks ko lalo na't alam ko naman na si Ryker ang gusto niya

"Ryker oh" sabi niya, saka inabot ang isang glass ng wine kay Ryker

Psh, samantalang kami kanya-kanyang kuha ang unfair talaga ng earth

"Anong pinagpaplanuhan niyo?" tanong niya

"Some of our bullies in school" sagot ni Ryker

"Bakit? Anong meron? Hindi naman kayo ganito mag usap kung isang ordinaryo lang ang ibubully niyo, so tell me may main target na ba??" tanong niya

"Yeah" simpleng sagot ni Ryker

Namilog naman ang bunganga nung babae "Bakit anong ginawa sainyo?" tanong niya, ako nalang sasagot

"Transferee kasi siya kaya wala siyang alam tungkol saamin, siguro ngayon meron na, sinagot sagot niya kasi si Ryker kaya ayon, hindi naman excuse saamin kapag transferee, kasalanan na nila yun kung pumasok sila sa University ng walang alam" mahabang eksplenasyon ko

"Oh grabe naman, pati transferee di niyo pinapalagpas huh" sabi niya

"Wala kaming pinapalagpas Alliana, kahit anong klaseng tao payan, basta binagga niya kami, otomatikong nasa alanganin na ang mga buhay nila HAHAZ" mayabang na sabi ko

"Pero graduating na kayo, suggest kolang na iutos niyo nalang sa iba yung mga plano niyo" suggest ni Alliana, sabagay

"Yeah we will"

Unexpected Arranged Marriage With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon