Chapter 23

2 0 0
                                    

Chapter 23

Harriet's POV:

Nang makalabas kami sa gym ay wala ni isang nagsalita saamin nila Audrey. Nasa likod ko silang dalawa

Maya-maya pa ay bigla silang tumabi sakin, magsasalita na sana kaso biglang may humarang saaming harapan

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si corny boy, tsh

Tinignan niya ang mga kasama ko. At bigla naman umalis sila Meli at Audrey. Pinaalis? Kapal naman ng mukha nito

Lalagpasan ko na sana siya ng hawakan niya ang pala-pulsuhan ko, kaya na palingon ako sa gawi niya, ng hindi tumitingin sakanya

"Ano bang kailangan mo. Bitawan mo ko" bored na sabi ko

"What did you just do" sabi niya. What's he referring to?

"Ano?"

"Yung sa gym"

"Ahh" sabi ko nalang. Marami namang chismosang estudyante bakit sakin pato nagtatanong

"What 'Ahh'" panggagaya niya. Tsh badtrip

"Wala naman, nakipag debate lang naman ako sa girlfriend mo" sabi ko

"That dare. Don't make her do that again or else I'll make sure that I'm gonna send you away here in KA with a damaged reputation" sabi niya saka biglang alis pero nagsalita ako kaya siya huminto

"Hoy. Una sa lahat yang girlfriend mo ang kausapin mo tungkol sa mga ganyan. Pabibo siya kaya nangyari yon sakanya" sabi ko at ako ang umalis. Ako dapat ang magwalk out

Pauwi na sana ako nang maalala kong mag didinner pa pala kami nila Asher. Dami-dami kasing nalalaman

Andito ako sa bench malapit sa gate para antayin si Ads. Nang may biglang tumabi sakin

"Hi miss" sabi niya. Mokong natoh

"Bat ka nandito?" Tanong ko

"Bakit bawal ba?!" Sabi niya, humawak pa sa dibdib niya. Diko nalang siya pinansin

"Tara na pumunta pa daw sa mall si Dùra kasi inaya pa daw siya ng friends niya, susunod nalang daw siya" sabi ni Asher

"Ok" tumayo na kami at papaalis na nang may narinig ako

"Huy teh, may pogi oh"

"Shemss, teka bakit sila magkasama?"

"Baka mag jowa sila"

"Ay wow ha, infernes pogi yung guy hihi"

Puting. Kadiri naman itong mga taong toh, hindi ba sila kilabutan?

Mukhang hindi naman narinig ni Asher, buti naman. Siguradong mang-aasar toh

Bago pako makapasok sa kotse na si Asher ang nag bukas ay nakita ko si Corny boy kasama tropa niya. Napatingin sila samin kaya sila huminto. Kita ko pang kumunot ang noo ni Corny boy bago ako tuluyang pumasok sa kotse

Unexpected Arranged Marriage With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon