Chapter 20
Harriet's POV:
Dumating ang nanay ni Audrey, kaya pinapasok na kami sa school, nung una ay ayaw ko pa, pero baka malaman ni Daddy na hindi ako pumasok sa ibang klase, mas lalo ako mapapagalitan kung halos buong araw akong wala sa school, kaya pumasok nalang ako
Kasama ko din si Meli na bumalik. Hinatid ko siya sa kasalukuyang klase niya
Kakaunti lamang ang mga estudyanteng nakikita ko, marahil ay wala silang prof kaya pagala-gala lang sila
Malapit na ako sa room namin ng matanawan ko ang isang student sa tapat ng room, kaklase ko. Agad siyang pumasok sa room nang makita ako
Papasok na sana ako, nang may mapansin akong parang sinulid sa may pinto
Tsh
Tinignan ko ang paligid, ang mga student dito ay may sarisariling mundo, nagkukunwaring may sariling mundo pala, napatingin ako sa taas ng may makita ako timba doon
"Miss Ellison, bakit hindi ka pa pumapasok" biglang may nagsalita sa gilid ko kaya napalingon ako, hindi na ako hinyaan pa ni Maam na magsalita sa halip ay nauna na siyang pumasok sakin
Pipigilan ko sana kaso..
Natabunan na siya ng kulay black na pintura, plus sakto pa sa ulo niya yung timba
Agad nagtawanan ang mga student dito sa room, pero unti-unting nawala nang tinanggal ng prof namin ang timba sa ulo niya
Napangisi nalang ako, ang buong akala niyo ba ay ako ang nandon sa sitwasyon na yon? Masyado akong maswerte noh.
"YOU ALL! GO TO DEAN'S OFFICE!!" Galit na sabi ng prof namin, agad naman silang nagsilabasan. Kasama ako, damay-damay na toh eh
-
Hindi naman kami gaano karami. Ang iba ay nagdadaldalan, nag sisisihan, hanggang sa dumating na si Miss Reyes yung natapunan ng pintura, maayos na ang itsura nito
Nagsitahimik sila, ilang segundo lang ay lumabas din ang Dean sa loob ng private room niya
"What happend Miss Reyes?" Agad tanong ng Dean ng makaupo ito
"This students don't have any manners! Nang pumasok ako ay bigla nalamang may bumagsak na malagkit na bagay sa katawan ko! At yon ay isang pintura! And worst, they laugh at me! Hindi maaaring mag graduate ang mga ganyang estudyante!" Nagpantig ang tenga ko sa huling linyang sinabi niya, no this can't be
"Wala man lang bang magsasalita?" Mahinahong sabi ni Dean sa aming mga estudyante.
"Sino ang may pakana nito?" Tanong muli ng Dean, sa ngayon wala akong maiaambag, anong malay ko jan, ako pa nga ang dapat biktima eh
"Sino?!" Nagulat ang lahat ng biglang magtaas ng boses si Dean
"Kung hindi kayo aamin, ipapatawag ko ang mga magulang niyo para--"
"Dean, wag po please"
"Wag na po sana maka-abot ito kila Mommy"
"Busy po sila, walang dadating sakin"
Angil nila
"Dean si Harriet po ang may pakana!" Biglang sigaw ng lalaki
Napalingon ako dito, t*ng*n*mo ako pa ginawa mong suspect
"Miss Harriet? Ellison right?" Si Dean
Tsk! Malalagot ako nito pag nalaman ni Daddy!
"No Dean, I'm not, wala po akong alam" simpleng sabi ko
BINABASA MO ANG
Unexpected Arranged Marriage With My Enemy
Teen FictionHarriet Ellison is the woman who joins riot but it is for people who are trampled by the rich or should I say flush. Their money is used for their personal gain and they're no longer thinking of other people who can't afford the money they have. The...