Chapter 11: She's mad

3.5K 191 37
                                    

Lei

"Kami na dito, Hija, baka mapagod kapa." mahinang saway sakin ni Yaya Nimfa habang pinapanuod siyang mag luto ng pananghalian namin ngayon.

Wala si Jennie dahil araw ng lunes ngayon. Madami syang naging pending sa trabaho dahil madalas syang lumiban dahil gusto nya ay tutok sya sa pagbubuntis ko. Syempre, anak nya tong dinadala ko, siguro ay sinisigurado nya lang na maayos ko itong naaalagaan. Kaya naman hindi ko binibigyan ng kakaibang kahulugan yung mga sweet gestures nya na pinapakita sakin.

"Eh ya, wala naman po akong ginagawa eh. Tsaka magiingat naman po ako at promise, hindi po ako magpapagod." pangungulit ko pa sakanya.

"Haay nako, talagang hindi ka papaawat ano?" nakangiting sagot naman nya pabalik sakin at isang malaking ngiti lang ang sinagot ko sakanya habang tumatango tango.

Kaya naman hinayaan na nya akong tulungan syang maghanda ng lulutuing ulam. Bicol express, kasi isa daw ito sa paborito ni Jennie na ulamin. Noted yan.

Habang busy ako sa pag hihiwa ng karneng isasahog, ay pumasok naman dito sa kusina si Myra.

"Ah, Nana Nimfa, Lei, may bisita sa labas." Pagbibigay inporma nya samin.

"Sino daw?" tanong ko dito.

"Natasha daw ang pangalan. Nandun sya sa sala, gusto ka daw makausap, lei."

"Anong kailangan daw nya kay Lei?" si Yaya Nimfa na ang nagtanong.

"Hindi ko po alam, Nana, eh. Basta tawagin ko daw po si Lei. Kilala nyo po ba yun? Mukhang masungit." mahinang bulong nya sa huling binigkas.

Alam kong kilala sya ni Yaya Nimfa dahil nga ex-girlfriend ito ng alaga nya.

"Sige na, Hija, puntahan mo na muna si Nat sa labas. Sunod ako." hindi ko alam pero parang hindi gusto ni Yaya na andito ang babaeng yun.

Wala na akong ginawa kaya naman pinuntahan ko na yung bisita na nasa sala.

Inayos ko muna ang aking sarili at ang suot na bestida na bahagyang nalukot bago tumuloy sa sala.

"Hi! Ikaw pala. Pasensya na, wala pa kasi si Jennie eh" nakangiti na pambungad ko sakanya. Kahit naman hindi maganda ang pakiramdam ko sakanya ay kailangan ko pa rin syang pakitunguhan ng maayos dahil hindi naman ako pinalaki ng magulang ko na bastos. Kahit pa ayoko sa kaharap ko.

"Well, honestly, hindi si Summer ang sadya ko rito." sagot nya sakin habang  tumatayo sa kanyang kianuupuan at unti unting lumalapit sakin. "kundi ikaw."

"A-ako? Bakit? A-anong kailangan mo?" hindi maganda ang pakiramdam ko sa pag punta nya dito sa mansyon. Kinakabahan ako kaya naman wala sa oras na napahawak ako sa aking tyan. Hindi ko alam, pero may kung anong nag uudyok sakin na dapat ay protektahan ko ang batang dinadala ko.

"How much?" nakataas nang kilay na tanong nya sakin.

"Anong sinasab~~"

"oh c'mon, Lei, we both know na pera lang naman ang habol mo kay Summer eh. So magkano? Magkano ang kailangan mo para lubayan sya?" tama nga ang hinala ko, hindi maganda ang intensyon nya sa pag punta dito.

"Pasensya na pero wala akong alam sa sinasabi mo." sagot ko sakanya at bahagyang lumayo sakanya.

"Nagpapaka inosente kapa?" mapang matang tanong nya sakin habang naka taas ang kanyang kanang kilay at parang ano mang oras ay aatakihin na nya ako. "Eh pera lang naman ang kailangan mo kay Summer diba? Tapos nagpa buntis kapa? Gold Digger!" nanlilisik na ang kanyang mga mata habang unti unting lumalapit sakin.

Carrying The Billionaire's Baby (GxG) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon