Lei
Tatlong buwan na simula noong mag propose sakin si Jennie. Simula din noon ay pinalipat na'rin nya ako sa kwarto nya para doon na matulog.
Maraming nagbago ngunit naaayon naman ito sa aming plano.
Yun ang akala ko
Dalawang linggo ko nang napapansin na para syang laging aligaga at problemado. Madalas syang umuuwi ng late. Umuuwi ng lasing. Kapag tinatanong ko naman sya kung may problema, lagi nya lang sinasabi na sa trabaho.
Nagtanong na rin ako sa mga kaibigan nya ngunit kahit isa sa kanila ay walang maisagot sakin. Ayoko naman mag tanong sakanya dahil ayokong isipin nya na pinag dududahan ko sya.
Pero hindi nga ba dapat ako mag'alala? Dalawang beses na akong nagigising ng madaling araw na wala sya sa tabi ko. Ang nakakapag taka pa ay nakikita ko sya sa veranda na may kausap sa cellphone.
Kahit puno ng pag'aalala ay hindi na lamang ako nagtanong pa sakanya. Buo ang tiwala ko sakanya.
"Aalis ka? Diba ngayon yung schedule ng natin sa wedding planner natin?" ngayon kasi dapat kami makikipag usap sa wedding planner na sya mismo ang kumuha. Ngayon namin ipina'sched dahil nga sabado at wala syang trabaho. Ngunit mali ata ako.
"I'm so sorry, Hon. Ummmh there's an emergency sa office. But I promise, uuwi ako agad." sagot nya sakin habang nagsusuot ng sapatos. She's in her unsual outfit. Jeans, black plain v-neck, leather jacket at white sneakers. Hindi naman sya ganyan manamit kapag sa opisina ang punta nya.
Ipinagsawalang bahala ko na lamang yung mga naiisip ko dahil mas lamang yung pag'aalala ko sakanya.
"Ganun ba. Dito kaba kakain ng lunch? Ipagluluto kita ng pabori~~~"
"I need to go, Love. I'll call you later okay? I love you!" at nagmamadali syang umalis pagkatapos akong halikan ng mabilis.
Hindi pala sya nakikinig sakin. Kelan pa? She's very attentive when it comes to me. Pero bakit ngayon....
Ipinilig ko na lang yung mga tumatakbo sa isip ko. May tiwala ako sakanya. Malaki ang tiwala ko sakanya.
Baka nga may problema lang sya sa trabaho. I know, she's a busy person. Sobrang laki ng company nya. May Casino pa sya. Baka nga talagang may problema sya.
"Napaka gaga mo, Lisa. Pinagdududahan mo pa yung fianceé mo. Hindi mo na nga sya matulungan sa problema nya." mahinang kastigo ko sa sarili ko.
Lumabas na ako para puntahan si Hariette sa kwarto nya. May swimming lesson din sya mamayang hapon. Pero mukhang pati iyon ay nakalimutan na ni Jennie.
"Hi, sweetheart!" masiglang bati ko sa anak ko para pag takpan ang ka'hungkagang nararamdaman ko pagkatapos ko syang bigyan ng maraming halik.
Ikamamatay ko talaga kapag nawala tong anak ko sakin. Tsk! Napaparanoid nanaman ako.
"Good morning, mommy." ganting bati nya sakin bago ako halikan sa magkabilaang pisngi ko. "Where's mimi? She promised me that she will be there in my first swimming lesson." masiglang tanong pa sakin ng bata. Paano ko ba sasabihin sakanya na wala ang mimi nya? Ayoko naman na madismaya sya o magtampo sa mimi nya.
"Uummmh ano kasi, anak, wala si mimi mo. Umalis sya dahil may problema sa trabaho. But don't worry, uuwi naman daw sya agad." ngumiti pa ako dito para hindi sya mag tampo sa mimi nya.
"But mommy, she promised me. I want her to be there too. You and mimi" bigla naman akong nataranta ng makitang paiyak na ang bata.
"Heeey uuwi din agad si mimi mo. And I'm here, ako sasama sayo. Gusto mo yun? Tsaka, hindi rin kasi marunong lumangoy si mommy." mahinang bulong ko sakanya nung huling sinabi ko. Napahagikgik naman sya sa huling sinabi ko. Mukhang nakalimutan na nya yung minamaktol nya kanina.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (GxG) (Completed)
RomancePinagmamalupitan sya at ang pinaka masaklap ay pinang bayad utang sya ng sariling ama. Sya si Lisa Lei Manoban, 24, naging miserable ang kanyang buhay simula ng mamatay ang kanyang ina. Hindi na rin nya natapos ang kolehiyo dahil napilitan syang mag...