Lei's POV
"Uuyy bes, tara kain naman tayo sa labas. Sweldo naman eh." Pangungulit sakin ng kaibigan at kasamahan ko sa trabaho na si Minie.
Sa isang restobar kami nag tatrabaho bilang waitress. Ito lang ang alam at kaya kong trabaho dahil hindi naman ako nakapag tapos ng kolehiyo.
"Nako, pasensya na huh. Sa susunod na lang. Maglalaba pa kasi ako eh" Sagot ko sakanya habang inaayos ko yung mga gamit ko para makauwi na. Alas sinco na rin ng umaga. 8pm-5am ang pasok ko.
"Suuuus, sabihin mo inaalala mo nanaman yung tatay mo. Tinitipid mo nanaman sarili mo." Sabi nito na nakasimangot. Hindi na ako sumagot kasi bukod sa maglalaba talaga ako, ay nagtitipid nga din ako. Bayaran nanaman kasi ng tubig at ilaw sa makalawa. Buti nga at hindi kami nangungupahan ng bahay.
"Ano kaba, hindi sa ganun. Alam mo naman na ako lang ang inaasahan ni tatay diba? Next time na lang, promise" sabi ko sakanya at ngumiti.
"Ano pa nga ba. Oh sya tara na, mahaba nanaman ang pila mamaya sa terminal ng jeep."
Lumabas na kami at naglakad papunta sa sakayan ng Jeep. 15 minutes lang ay nakarating na rin ako ng bahay.
Pag dating sa bahay ay nadatnan ko ang nagkalat na mga bote ng gin. Naginom nanaman si Tatay kagabi at panigurado na gutom yun pag gising.
Kaya naman pagkatapos ko linisin ang mga kalat ay nagluto na ako ng almusal ni Tatay. Sinangag ko yung bahaw na kanin kagabi at nag prito akong itlog.
Pagkatapos ko sa kusina ay dumiretso na ako sa aking kwarto para makapag palit ng damit. Hindi ko na alintana ang puyat at pagod. Wala naman kasing gagawang iba nito para sakin, samin ni tatay, kundi ako lang. Pagkatapos magpalit ng damit ay kinuha ko na ang mga maruruming damit. This is life that I have. I'm tired but I don't have a right na magreklamo.
Naglalaba na ako nang marinig ko si tatay sa kusina.
"WALA PA RING ALMUSAL!?" Sigaw ni tatay kaya naman dali dali akong pumasok sa loob ng kusina para ipaghain sya ng almusal nya.
"Pasensya na po, tay, naglalaba po kasi ako. Ito po almusal nyo. Gusto nyo ho ba ng kape?"
"TANGINA! ANO 'TO HUH!!?? ITLOG? ITLOG ANG IPAPAKAIN MO SAKIN HUH!!" Galit na sigaw ni itay sakin.
"P-pasensya na ho, tay, h-hindi na ho kasi ako nakapag luto ng ulam"
"BWISET NA BUHAY 'TO!" Sabay binato nya sakin yung sinangag na nasa mesa. "Diba sumweldo ka? Nasan ang pera?" Sabi nya sakin. Hindi maaaring makuha yun ni tatay dahil pambayad ko yun sa mga utang sa tindahan.
"W-wala pa h~~~"
"Anong wala pa? Pinagdadamutan mo na ako ngayon huh? Napakawalang kwenta mong anak!" sabi nya sabay labas ng kusina at dire diretso na pumunta sa kwarto ko. Nagulat ako dahil dala dala nya ang bag ko.
"Tay, please wag po. Pambabayad ko po yan sa kuryente at tubig pati po tindahan." pilit kong kinukuha ang bag ko sakanya hanggang sa nakuha na nya ang pera ko.
"NAPAKA DAMOT MO! ANAK LANG KITA, LISA! SAYO NA YANG BAG MO!" Sabi nya sabay hampas sakin sa mukha ng bag ko.
Hindi ako natinag at hinabol ko pa rin sya. "Tay, akina po yan." imbes na ibigay sakin yung pera ko ay tinulak nya ako hanggang sa mauntog ako sa doorknob ng pinto namin.
Wala na akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak.
"Besy, jusko, anong nangyari sayo?" Hindi ko namalayan na andito na pala ang bestfriend kong si Rose. Umiyak lang ako ng umiyak sakanya.
"K-kinuha n-ni t-tatay yung p-pera n-na~~~" halos hindi ko na masabi yung mga sasabihin ko dahil sa pag iyak.
"Ssshhh, tama na bes. Walang kwenta talaga yang tatay mo. Dapat kasi iniiwan mo na yan eh" sabi nya na puno ng simpatya. Umiyak lang ako nang umiyak sakanya.
I'm Lisa Lei Manoban, at ito ang buhay ko. Simula ng mamatay si Nanay dahil sa isang car accident, at hindi na namin nakilala ang nakasagasa sakanya ay naging malupit na sakin si tatay. Naging sugarol at lasinggero sya. Kahit gustuhin ko man syang iwan ay hindi ko magawa dahil kahit ganyan sya ay tatay ko pa rin sya.
_______________________________________
You know the drill, loves. Tulad ng sinabi ko sa 1st chapter, pag maraming votes and comments, dadalasan at hahabaan ko ang susunod na update hahahahaha
Baka kasi hindi nyo magustuhan kaya maaga palang itigil na natin hahahaha.
PurpleLove💜
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (GxG) (Completed)
RomancePinagmamalupitan sya at ang pinaka masaklap ay pinang bayad utang sya ng sariling ama. Sya si Lisa Lei Manoban, 24, naging miserable ang kanyang buhay simula ng mamatay ang kanyang ina. Hindi na rin nya natapos ang kolehiyo dahil napilitan syang mag...