Lei's POV
Lunes ngayon at mamayang 8pm pa naman ang shift ko sa resto bar na pinapasukan ko, kaya naman imbes na magpahinga, ay mas inatupag ko na maglinis nalang ng bahay.
"Lei, hija?" napalingon ako sa taong tumatawag sakin. Si aling Rosa, yung may'ari ng tindahan na madalas utangan ni Tatay.
Baka maniningil na sya. Kinuha ni tatay yung pera kahapon na pambayad ko. Paano na ito? Haixt "A-ah ano po, Aling Rosa, p-pasensya na po kasi w-wala pa ho ak~~"
"Nako hija, hindi kita sinisingil. Andito ako, kasi ipapakiusap ko sana sayo na kung maaari ay ikaw na muna ang maglaba nitong mga marumi naming damit? Hindi kasi pumunta sa bahay si Minda eh. Alam mo naman, matanda na ako. Babayaran kita 500. Ano, payag kaba?"
Mahabang paliwanag ni Aling Rosa. Hindi ko ito tatanggihan dahil sayang ang kita. "Nako, ayos na ayos po. Tsaka huwag nyo na ho akong bayaran, kung maaari ho eh iawas nyo na lang po sa utang ni Tatay sa tindahan."
"Haay nako anak, kung hindi dahil sayo, hindi ko na bibigyan yang Tatay mo. Ginawa kana nyang palabigasan eh."
"Ako na lang ho kasi ang inaasahan ni Tatay, kaya wala ho akong ibang pagpipilian kundi ang kumayod para saming dalawa." nakayuko kong sabi. Halos lahat dito sa brgy. namin ay mabait sakin.
"Pero inaabuso ka nyang si Leo. O sya, eto na yung mga damit. At ito na rin yung bayad ko sayo." sabay abot nya sakin ng dalawang malalaking bag na may lamang mga damit at limang daang piso.
"Hindi na po. Ibawas ny~~~"
"Sayo na yan. Huwag mo ng intindihin yung sa tindahan, ayos na yun." mabait na sabi sakin ni Aling Rosa.
"Maraming maraming salamat po. Ihahatid ko na lang po mamayang gabi sainyo itong mga damit bago po ako pumasok sa trabaho"
Kapag kuwan ay umalis na rin si Aling Rosa.
Ala una na ng hapon. Isinasampay ko na rin ang mga damit na nilabhan ko ng dumating si Tatay. Ano pa nga ba, eh di lasing nanaman.
"Hoy Lisa, magayos ka bilisan mo." utos ni Tatay sakin ng pumasok sya sa bahay.
"Tay, b-bakit ho?" agad kong tanong sakanya.
"Dadalhin kita kay pareng emong, naghahanap sya ng magtatrabaho sa beer house nya."
Natakot ako. Si Mang Emong ang may'ari ng beer house doon sa may kanto ng brgy namin. Ito yung beer house na may mga babaeng nagsasayaw at kung madalas pa nga ay nagbebenta ng aliw.
"P-pero t-tay, may trabaho na ho a-ako. Hindi ko~~"
"WALA AKONG PAKIELAM! KAYA BA TAYONG BUHAYIN NG LINTEK NA TRABAHO MONG YAN HUH!!??" galit na sigaw ni tatay na nakapag papitlag sakin. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa kaya naman dumoble yung takot at kaba sa dibdib ko. "Tamang tama ka dun. Malaking pera ang ibabayad sakin ni Pareng Emong sa pagtatrabaho mo dun kaya huwag kanang umarte dyan."
"Ayoko po tay. Parang awa nyo na po" naiiyak na ako, kasi, kita sakanya na desidido sya sa gusto nyang gawin.
"Anong ayaw mo huh?" may gigil na tanong nya sakin habang hawak ang isang braso ko.
"T-tay, bitawan nyo p-po ako. N-nasasaktan po a-ako" tuluyan na akong umiyak.
"Talagang masasaktan ka sakin sa kaartehan mo!"
At biglang dumapo sa kanan kong pisngi ang mabigat na palad ng aking ama. Para akong nabingi at namanhid ang aking buong mukha. May naramdaman din akong mainit na likidong umaagos sa gilid ng aking labi.
"BWISET KA TALAGA KAHIT KAILAN SA BUHAY KO!!!"
"T-tay please t-tama na po." iyak lang ako ng iyak. I feel so helpless. I can't do anything to help myself.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (GxG) (Completed)
RomancePinagmamalupitan sya at ang pinaka masaklap ay pinang bayad utang sya ng sariling ama. Sya si Lisa Lei Manoban, 24, naging miserable ang kanyang buhay simula ng mamatay ang kanyang ina. Hindi na rin nya natapos ang kolehiyo dahil napilitan syang mag...