Chapter 29: Rush

2.6K 123 31
                                    

Lei

Hindi ko alam kung anong oras na pero alam kong maguumaga na. Maguumaga na pero heto ako at gising na gising pa.

Napadako ang aking tingin sa digital clock sa bedside table. 4:56am.

Sa sobrang daming bagay na tumatakbo sa isip ko, hindi ko na nagawang matulog pa. Mag damag lamang akong gising at nakatingin sa puting kisame. Paminsan naman ay pinagmamasdan ko ang magandnag mukha ng taong katabi ko.

'ano ba talagang nangyayari sayo? Satin? Bakit pakiramdam ko, unti unti kang nawawala sakin? Parang hindi ko kakayanin' mahinang usal ko habang nakatitig parin sa mahimbing ng natutulog na si Jennie.

Napag pasyahan ko ng bumangon tutal hindi na rin naman ako makatulog. Nag tungo ako sa cr para maligo na. Baka sakaling kahit papaano ay mawala ang mga agam agam saking isipan.

Nang buksan ko ang shower ay bumuhos sakin ang malamig na tubig. Hinayaan ko lamang itong dumaloy sa hubad kong katawan. Nagaasam na baka maibsan nito ang bigat na aking nararamdaman. Ngunit mali ako. Dahil hanggang sa matapos ako ay dala ko pa rin ang bigat sa dibdib ko.

Madali akong nagbihis at nagtungo sa kusina para magluto ng almusal.

Nadatnan ko dito si nay nimfa at manang beth. "Oh Lei, ang aga mo atang nagising?" tanong sakin ni Aling beth na nagtitimpla ng kape. Marahil ay magsisimula na silang kumain. "Hindi na rin ho kasi ako nakatulog kaya naisipan kong bumangon na" magalang naman na sagot ko dito.

"May problema kaba, hija?" may pagaalalang tanong naman sakin ni Nay Nimfa.

"Wala ho, nay. Ayos lang ho ako. Ummh okay lang po ba kung ako ang maghahanda ng almusal ngayon?" nagkatinginan muna silang dalawa bago sabay na tumango.

Inumpisahan ko na ang pagluluto. Pancakes for Hariette and the usual breakfast for Jennie. Toasted bread, bacon, egg and black coffee.

Saktong tapos na akong mag luto ng makarinig ako ng maliliit na tinig na papasok dito sa kusina. Mukhang gising na ang anak ko.

"Mommy!" mabilis naman itong tumakbo papunta sakin. Agad ko naman itong kinarga at binigyan ng halik sa magkabilang pisngi. "Good morning, mom. I love you!" malambing na bati sakin ng bata.

Kahit papaano ay nawaglit sandali sa isip ko yung mga bagay na gumugulo dito dahil kay Jennie. Maganang kumain ang bata na ikinatuwa ko naman. Sa gabi na lang kasi sya nahingi ng gatas kaya naman sinasanay ko na syang kumain ng mga soft foods.

Pagkatapos naman nyang kumain ay binuhat ko na sya pabalik sa kwarto nya at pinaliguan. Binihisan ko muna sya at pinabantayan saglit kay nay nimfa bago ako bimalik sa kusina.

Saktong sinasalin ko na sa coffee mug yung brewed coffee ni Jennie ng pumasok ito sa kusina.

"Good morning, Hon!" bati nito sakin at binigyan ako ng halik sa noo habang sapo sapo ang ulo nya. Masakit siguro dahil sa hangover. Gumanti lang naman ako dito ng tipid na ngiti.

"My head hurts like hell" patuloy nitong reklamo. Kumuha na lamang ako ng gamot sa sakit ng ulo para dito.

Kahit madaming bumabagabag sakin ay hindi ko naman nakakalimutan na asikasuhin sya. "Kumain ka muna bago mo inumin tong gamot" nagsimula naman na syang kumain at ako naman ay umupo na sa bandang kanan nya.

"Where's Hariette?"

"Tapos na syang kumain. Maaga syang nagising"

Wala kaming imikan habang kumakain. Nag dadalawang isip ako kung dapat ko ba syang tanungin tungkol sa mga bagay na nakakapag pagulo sa isip ko. Tulad na lamang nung bagay na nakita ko sa leeg nya kagabi.

Carrying The Billionaire's Baby (GxG) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon