Chapter 9: Result

3.5K 168 27
                                    

Lei's POV

"Kinakanahan talaga ako eh" wika ko kay Roseanne habang kausap sya sa cellphone ko. Eto yung cellphone na binili ni Jennie para sakin nung makalawa. Yung load daw nito ay sya na ang bahala kaya naman hindi na ako namomroblema kung saan pa dapat magpa load.

"Ano kaba beshie, anjan naman si Summer para alalayan ka. Tsaka kayang kaya mo yan." pagpapalakas pa nya ng loob ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa kabang nararamdaman.

Ngayon kasi kami pupunta sa family OB-Gyne nila Jennie. Titignan muna kung fertile ako at kung kelan pwedeng i'harvest ang mga egg cells ko.

"Sana ay maging maayos ang lahat"

"Magtiwala ka beshie, magiging maayos ang lahat." Napangiti na lang ako saka nagpasalamat sakanya. At least alam kong hindi ako magiisa. Andyan si Jennie pati na rin ang mga kaibigan ko.

"ah...Lei, pinapatawag kana ni Señorita sa ibaba. Aalis na raw kayo." Si Myra yan ng bahagya lang syang dumungaw sa pintuan ng kwartong tinutuluyan ko. Nagpaalam na ako kay Roseanne at sinabing babalitaan ko na lang sya kung ano man ang mangyayari mamaya.

"Sige, bababa na rin ako. Salamat." sagot ko sakanya ng may maliit na ngiti.

Bumuga muna ako ng malakas na hangin bago bumaba patungo sa sala. Isang bored look ni Jennie ang sumalubong sakin.

"What took you so long?" nababanaag ang inis sa kanyang tinig.

"Pasensya kana, m-may ginawa lang ako." yun lang ang sagot ko at narinig ko na lang ang yabag ng kanyang sapatos.

Napasunod na lang ako sakanya at sumakay sa kotse. Tahimik kami habang nasa byahe. Ako dahil kinakabahan at sya? Ewan ko. Ganyan naman yan eh. Moody.

Nakatingin lang ako sa labas at bahagyang nilalaro ang mga daliri kong nakapatong sa aking mga binti. "Are you okay?" tanong ni Jennie kaya napalingon ako sakanya.

"a-ah...oo. k-kinakabahan lang talaga ako." pag amin ko sakanya.

"Don't be. Andun naman ako at hindi kita pababayaan." sumilay ang maliit na ngiti sakanya at bahagyang pinisil ang aking mga kamay. Napatingin ako dito at kay Jennie.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para itong lalabas sa dibdib ko. "We're here" anunsyo ni Jennie kaya napabaling ako sa labas. Nandito na pala kami sa labas ng hospital na pag mamayari daw ng kaibigan nya.

Pagkababa nya ay doon ko lang pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pala pinipigilan. Stop it Lisa. Focus. Saway ko sa sarili ko bago bumaba at sumunod na kay Jennie.

Habang naglalakad kami ay may isang magandang babae na nakasuot ng lab coat ang lumapit samin.

"Hey, Sum. Glad you came" bati nya kay Jennie sabay halik sa pisngi nito. Maganda sya. Matangkad. Maputi at mahaba ang brown nitong buhok na alon alon. Hindi sya mukhang doctor, mas mukha syang modelo.

"Of course, Love." a-ano daw? Love? Akala ko ba kaibigan nya lang yung OB na pupuntahan namin? Eh kung umatras na kaya ako dito at yang love na lang na yan ang magdala sa anak nya?

Hayst nako naman Lisa, anong nangyayari sayo? Eh ano naman kung karelasyon nya pala yang doctor? Bagay sila dahil pareho sila ng estado sa buhay hindi tulad m~~~

"By the way, Love, this is Lisa Lei but call her Lei. And Lisa, this is my friend, Doc Lovely." pakilala ni Jennie saming dalawa. A-ah Lovely pala. He-he.

"Hello! Nice meeting you" malawak ang ngiting inilahad nya ang kanyang mga kamay sakin. Nahihiyang inabot ko din ang kamay ko sakanya para makipag shakehands. Nakakahiya. Kung ano anong iniisip ko sakanila kanina.

Carrying The Billionaire's Baby (GxG) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon