Lei
"Saan ba tayo pupunta? Hindi paba tayo uuwi? Baka umiiyak na si Hariette. Baka hinahanap na tayo nun. Tsk! Jennie, huh. Sinasabi ko talaga say~~~~"
"Hey, calm down, Hon. May pupuntahan lang tayo saglit." pag putol nito sa pag sasalita ko ng nakangiti pa.
Tssss nakakainis sya. Kanina pa nakangiti. Sarap burahin yung maganda nyang mukha. Nagaalala na nga ako sa anak namin, tapos sya parang wala lang.
"Eh, saan nga kasi tayo pupunta? Gabi na oh." kulit ko pa dito. Bahala syang mainis, kasi ako, kanina pa naiinis sakanya. Ayaw sabihin kung saan kami pupunta. Basta daw secret.
"You'll see later, okay? But for the mean time, just relax. And don't worry about our daughter. She's fine okay? Baka mamaya, talagang umiiyak na yun kasi kanina mo pa binabanggit ng binabanggit." inirapan ko nalang ito at tinuon ko nalang ang sarili sa pag tingin tingin sa labas ng bintana.
Matapos ang mahigit kalahating oras ay napansin kong papasok kami sa isang exclusive cemetery. Bigla akong kinabahan. "J-Jennie? A-anong ginagawa natin dito? B-bakit tayo nasa sementeryo?" napakapit pa ako sa braso nito pagka tigil ng sasakyan namin sa tapat ng isang museleyo.
"Don't worry baby, I'm here. May papakita ako sayo." matapos nitong sabihin iyon ay lumabas na ito ng sasakyan at pinagbuksan ako. Ang mga body guards naman nya ay nasa di kalayuan lang naka pwesto.
Hindi ko tinatanggal ang pagkaka kapit ko sa braso nya dahil nga sa natatakot ako. Hindi naman madilim dito dahil maraming ilaw na nakabukas. Pero bakit naman kasi gabi naisipan nitong si Jennie na magpunta sa sementeryo.
Pumasok kami sa isang museleyo na makikitaan mo ng karangyaan. Sobrang gara ng itsura nito dahil mula sahig, maging ang mga dingding ay purong marmol. May naglalakihang gate din at punong puno ng mga mamahaling bulaklak ang paligid. Hindi ko pa nakikita kung sino ang naka libing dito dahil busy ako sa pag mamasid sa paligid ng museleyo.
"Lisa" tawag sakin ni Jennie kaya napalingon ako dito. Nakatayo na pala kami sa tapat ng nitso dito sa loob ng museleyo. Itatanong ko pa lang sana kung sino ang nakalibing dito ng iharap ako ni Jennie dito.
Lusinda O. Manoban
Born: July 18, 1971
Died: August 25, 2011Bigla akong nanghina. Para akong tinakasan ng lakas ko dahil biglang nanghina ang mga tuhod ko. Mabuti na lamang ay hawak hawak ako ni Jennie.
Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng mga luha ko kasabay ng pag luhod ko sa harapan nito.
Nanay ko.
Sampung taon. Sampung taon simula noong mawala samin ni tatay si nanay. Pagkatapos nyang mailibing noon, ay hindi ko na muli syang nadalaw pa. Hindi na kasi ako pinapayagan ni tatay na dumalaw dito.
Haplos haplos ang pangalan nya ay paulit ulit kong binabanggit ang katagang patawad at ang salitang nanay.
"Nanay ko. Patawad. Patawarin nyo po ako kung ngayon lang ulit kita napuntahan. Patawad kung wala akong nagawa noong nagaagaw buhay ka pa." halos hindi ko na marinig yung boses ko dahil sa labis na pag iyak. "Mahal na mahal kita, Nanay. Miss na miss na po kita."
Ang dami dami ko pang gustong ihingi ng tawad sakanya at sabihin ngunit naunahan na ako ng emosyon ko. Laking pasasalamat ko na lamang dahil hindi ako iniwan ni Jennie. Nasa likod ko lamang sya habang pinapakalma ako.
Pagkatayo ko ay bigla nya akong niyakap. "Sorry. I'm really sorry. Dahil sa pagiging reckless ko, nawalan ka ng Nanay." kumalma na nga ako pero sya naman itong pumalit sakin sa pag iyak.
"Ssshhhh, hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan, mahal ko. Aksidente ang nangyari. Aaminin ko, noong una, nagalit talaga ako sayo. Naging sarado ang pagiisip ko. Naisipan ko pang maghiganti sayo at ilayo ang anak mo noong pinagbubutis ko pa lamang sya. Pero walang magandang naidulot satin pareho ang ginawa ko." Pag papaintindi ko dito habang hawak hawak ang magkabilang pisngi nito at hinuhuli ko ang mga mata nito na tumingin sakin.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (GxG) (Completed)
Roman d'amourPinagmamalupitan sya at ang pinaka masaklap ay pinang bayad utang sya ng sariling ama. Sya si Lisa Lei Manoban, 24, naging miserable ang kanyang buhay simula ng mamatay ang kanyang ina. Hindi na rin nya natapos ang kolehiyo dahil napilitan syang mag...