Lei
Tinupad nga ni Jennie yung sinabi nyang liliban sya sa trabaho para mas matutukan nya si Hariette at para na din siguro makabawi sa anak.
Isang linggo nalang din ay sasapit na ang ikalawang kaarawan ni Hariette. At hindi nga pumayag si Jennie na isang simpleng celebration lang ang magaganap. Kumuha pa talaga sya ng isang sikat na planner para masigurado na hindi basta basta ang kalalabasan nito. Kung ako lang? Hindi ko yun kayang ibigay kay Hariette. Baka hanggang isang kilong pancit nga lang ang kaya kong ibigay sakanya.
"Lisa, come here." rinig kong sigaw ni Jennie mula sa sala.
"Ano yun?" mabilis kong tugon ng makalapit ako sakanya.
"I asked my secretary to bought all of these for Hariette. But I don't know if she will like it. But all of these are all organic. From clothes to toys." halata yung excitement nya pero makikitaan din ng pagaalala.
Naiintindihan ko naman sya dahil halos dalawang taon din nyang hindi nakasama yung anak nya.
"Magugustuhan nya ang lahat ng yan. Hindi naman mapili yung anak mo. Kuntento sya sa kung anong meron sya. At sigurado akong magugustuhan nya ang lahat ng yan dahil galing lahat sayo." nakangiting sagot naman sakanya.
Mukhang nabawasan naman yung pagaalala nya.
"I promised to you na babawi ako sainyo ng anak natin, right? And I mean it." itinabi nya muna yung mg hawak nyang laruan at hinawakan ang kamay ko. Nabibigla parin ako sa mga pinapakita nya sakin. Hindi parin ako sanay na parang itinuturing nya akong mahalag sa buhay nya.
Mula noon, hanggang ngayon, hindi naman nawala yung nararamdaman ko para sakanya. Matagal ko ng inamin sa sarili ko na nahuhulog na nga ako kay Jennie Summer Kim. Pero alam ko ding malabong makita nya ako. Walang wala naman ako kumpara sa mga taong nakakasalamuha nya. Lalo na sa mga taong lantarang naghahayag ng pagka gusto sakanya. Kaya mas pinipili ko na lamang na wag pansinin itong nararamdaman ko para sakanya pero natatalo naman ako ng damdamin ko para sakanya. Lalo na't ganito sya sakin.
Haayst Jennie. Nababaliw na ata ako.
"Are you okay?" nagaalalang tanong nya sakin.
"H-huh? Ah..oo.. ayos lang ako." tipid na ngiti ko sakanya.
Ngumiti naman sya sakin bago binitawan ang mga kamay ko. Doon ko lang napansin na parang pigil ang hininga ko habang hawak nya ang kamay ko. "Aalis nga pala tayo mamaya. Iwan muna natin yung anak natin kina chu." It's more on pinapaalam nya lang sakin kesa nagtatanong.
"Saan naman tayo pupunta? Hindi kaya hanapin tayo ni Hariette?"
"We'll go to Olivia's, she's a good friend of mine. Magpapagawa tayo ng mga damit mo, especially for our daughter's birthday."
Olivia's? Isa sa mga pinaka sikat na shop na pag mamay'ari ni Samantha Olivia na isang sikat na sikat na fashion designer.
"Hala, hindi naman na yun kailangan. Tsaka m-may mga damit pa naman ako dyan. Magsasayang ka lang ng per~~~" tinignan nya lang ako bago tinaas ang kamay, indikasyon na pinapatigil ako sa kung ano pa mang gusto kong sabihin.
"Stop. You can't change my mind. Kasasabi ko palang na babawi ako diba? And stop saying na magaaksaya lang ako ng pera para sayo. Dahil kahit maubos ang pera ko, I don't care!. I worked hard to earn money. At gagastusin ko ito kahit saan o kanino ko gusto and it includes you. Stop complaining because from now on, I'll start spoiling and pampering you." napayuko nalang ako dahil mukhang nainis sya sa sinabi ko.
Hindi nalang ulit ako nagsalita para hindi na sya tuluyang mainis. Pinagpatuloy na lamang namin yung pagaayos ng mga gamit ni Hariette.
"Lisa, Hija, may naghahanap sayo sa labas." sabi ni aling beth pagka pasok nya dito sa sala.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (GxG) (Completed)
RomancePinagmamalupitan sya at ang pinaka masaklap ay pinang bayad utang sya ng sariling ama. Sya si Lisa Lei Manoban, 24, naging miserable ang kanyang buhay simula ng mamatay ang kanyang ina. Hindi na rin nya natapos ang kolehiyo dahil napilitan syang mag...