Chapter 34: Second Chance

3.3K 191 27
                                    

Lei

Tatlong linggo. Tatlong linggo na simula ng umalis kami ng anak ko sa mansion at umuwi dito kay Tatay.

Sa pagalis namin at pansamantalang lumayo kay Jennie ay may dalawa itong kinahinatnan. Una na dito ay ang muli naming pagkakabati ni Tatay. Ilang taon kong pinag dasal na sana ay bumalik kami sa dati. Sobrang sabik ako sa magulang, kaya naman kahit na may hindi kami pagkakaunawaan ng asawa ko ay may magandang nangyari naman. Pangalawa, aminin ko man o hindi, namimiss ko na rin si Jennie. Nalulungkot parin ako pero pilit na pinapatatag ang sarili.

Minsan ay nagtatanong si Hariette kung bakit hindi namin kasama ang mimi nya. Kung ano anong dahilan na nga nasabi ko sakanya para lang huwag syang umiyak tuwing hinahanap nya si Jennie.

May umaga naman na hindi ko sya maalo sa pagiyak kakahanap kay mimi nya. Meron pa yung maglulupasay sya habang naiyak dahil gusto nyang makita si Jennie. Hinahayaan ko lang sya hanggang sya mismo ang titigil. Kapag pagod na ito sa kakalupasay at kakaiyak, lalapit ito sakin ng may pag hikbi hikbi pa at kusot kusot ang mata.

Naaawa narin ako sa bata. Dahil sa nangyari samin ni Jennie ay anak namin ang naiipit. Ang anak namin ang nahihirapan.

Noong nakaraang linggo lamang ay nagulat ako sa pag sulpot ni Jennie dito sa bahay. Kaya naman laking tuwa ni Hariette ng muli nyang makita ang mimi nya. Hindi ako ipokrita para sabihing hindi ko sya namiss. Miss na miss ko narin sya ngunit hindi ko parin sya maharap. Bagkus, nagtago ako sa kwarto at doon naiyak.

Pagkaalis ni Jennie ay kinausap ako ni itay patungkol sa problema naming magasawa. Hindi ko man masabi sakanya ang tunay na dahilan ngunit sinabi nya lamang sakin na "Ano man ang problema nyong mag'asawa, huwag na huwag nyong susukuan ang isat isa. Lalo na at may anak kayo. Ang buhay may asawa ay tunay na hindi madali, ngunit nagiging maayos at magaan ito kapag naiintindihan nyo ang isat isa. Kung ano man ang problema mo, anak, huwag mong sarilinin. Andito si Tatay." bumalong lang lalo ang aking mga luha matapos sabihin ito ni tatay. Ngayon ko kailangan na kailangan ang yakap ng isang ama. Sinabi din ni Tatay na sinabi daw ni Jennie na babalik sya.

Hindi ko na natanong si itay kung nagkaayos narin ba sila ni Jennie ngunit sinabi nya lang sakin na civil naman daw sila sa isat isa.

Sabado ngayon at andito ako sa likod bahay para sa labada. Hindi ko na hinayaan si itay maglaba dahil may katandaan na rin ito. Si Hariette naman ay nagpaalam sakin kasama ang mga bago nyang kalaro/kaibigan na maglalaro daw muna sa labas. Hinayaan ko na muna sya dahil gusto ko rin namang maranasan nya kung paano maging isang normal na bata.

Habang busy ako sa paglalaba ay parang may narinig akong isang sasakyan na tumigil sa di kalayuan. Hindi ko alam kung sa tapat ba namin o sa kapitbahay.

'aminin mo na kasi, Lisa, na inaasahan mo din ang asawa mo' tuya ng isang bahagi ng aking isip. Napailing na lamang ako dahil dito. Hindi. Hindi yun ang iniisip ko.

Napabuntong hininga na lamang ako bago ipag patuloy ang paglalaba. Natagalan lang ako sa mga puting damit ni Harriete. Dahil nga sa natuto na syang maglaro kasama ang mga bago nyang kaibigan o kalaro, hindi maiwasan na madumihan sya ng sobra. Which is okay lang dahil ganun din naman ako noong bata pa ako.

Pagkatapos ko noong maglaro ng taguan o kaya naman ng patintero kasama ang mga kalaro ko ay uuwi ako ng madumi. Maaga palang ay kinakatok na ako dito sa bahay ng mga kalaro ko. Wala namang magawa si inay dahil naglalaba din sya noon at walang magbabantay saakin.

Inay! Miss na miss na kita. Sobra. Sana lang ay andito kapa para magabayan ako sa pagpapalaki ko kay Hariette. Kung paano maging isang mabuting magulang.

Malapit na akong matapos sa paglalaba ng parang may naulinigan akong boses sa loob ng bahay na kausap ni itay. Hindi ko marinig ng malinaw ang pinaguusapan nila o kung sino ang kausap ni itay, kaya naman tumayo ako para sana tignan kung sino ang bisita.

Carrying The Billionaire's Baby (GxG) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon