Lei
"Mommy! Can I play outside? Please!" paglalambing ng anak ko sakin. Katatapos nya lang kasing maligo at sinusuklayan ko na ngayon ang kulot nyang buhok.
"Pero kaliligo mo palang. We can play later if you want" parang kailan lang, noong pinag bubuntis ko pa lamang sya. Pero ngayon, ilang buwan nalang at mag tatatlong taon na sya.
"But mommy, I want to play right now. Please! I promise, I'll behave." pangungulit pa nito sakin. Sobrang cute lang nya kaya sino ba naman ako para tanggihan sya?
"Fine. But let's ask yaya nimfa if she can accompany you, okay?" hindi ko kasi sya masasamahan dahil magtutupi pa ako ng mga damit nya.
"Yes! Thank you, mommy. I love you!" malambing na sagot nito at binigyan pa ako ng matunog na halik sa pisngi. Natuwa na lamang ako sa kakulitan ni Hariette.
"but you can only play in the garden, okay?" paninigurado ko pa sakanya dahil minsan ay kung saan saan ito lumulusot.
"Promise!" masiglang sagot nito bago bumaba ng kama at hinila na ako papalabas.
Saktong pag labas namin ay nakita ko agad si nay nimfa sa may living room.
"Nay, pwede nyo po ba munang bantayan si Hariette sa may garden? Gusto daw po kasi nyang maglaro sa labas." magalang kong tanong sa matanda.
"Aba'y oo naman. Halina apo, maglalaro tayo sa labas" mabilis namang humawak si Hariette sa kamay ni Nay Nimfa.
"Dahan dahan lang, anak. Sunod din po ako nay pagkatapos ko sa gagawin ko."
"ay nako, walang problema. Sige na, at mukhang eksayted na itong isa." naka ngiting tukoy nya sa anak ko.
Saka lang ako umakyat papunta sa kwarto ni Hariette ng tuluyan na silang makalabas ni nay nimfa.
Inumpisahan ko ng magtupi ng mga damit ni Hariette. Gusto sana ni Jennie na kumuha kami ng yaya ni Hariette para hindi na ako masyadong nahihirapan. Pero hindi naman ako pumayag dahil anak ko si Hariette at natural lang na ako ang magalaga at magasikaso sa bata.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa sinasabi kay Jennie na alam ko na ang tunay na nangyari sakanila ng dati nyang asawa. Magiisang linggo na simula ng malaman ko ang totoo. Ganun parin ang gawain ni Jennie. Madalas na late na umuuwi. Lageng dinadahilan ay ang trabaho nya. Iniintindi ko nalang.
Habang busy ako sa pag aayos ng mga laruan ni Hariette ay parang nakakarinig ako ng may sumisigaw sa labas. Ang bintana kasi ng kwarto ni Hariette ay katapat ng garden. Walang pag aatubiling sumilip ako dito at nakitang parang umiiyak ang bata habang may isang babaeng parang galit na galit habang hawak ang anak ko sa braso.
Agad agad akong bumaba para puntahan ang anak ko. Pagka dating ko sa garden ay agad kong dinaluhan ang anak ko dahil umiiyak na ito.
"Mommy!" tawag nito sakin habang hilam ang mga mata sa luha.
Dali dali kong hinila ang anak ko papalapit saakin. Tama nga ang hinala ko kung sino ang babaeng kaharap ko ngayon.
Si Cassadra
"Anong karapatan mong saktan ang anak ko!?" hindi ako palaaway na tao pero pag dating sa anak ko, ibang usapan na talaga.
"Oh, so you're the mother. No wonder, walang manners ang batang yan." mapang insultong sagot nito sakin habang nakangisi pa.
Nakita ko namang kadarating lang ni nay nimfa. Kaya pala hindi ko sya nakita dito.
"Lei, hija. Pasensya na. Nag CR lamang ako." hinging paumanhin nito sakin. Marahil ay hindi pa nya nakikita ang taong nasaking harap ngayon.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (GxG) (Completed)
RomancePinagmamalupitan sya at ang pinaka masaklap ay pinang bayad utang sya ng sariling ama. Sya si Lisa Lei Manoban, 24, naging miserable ang kanyang buhay simula ng mamatay ang kanyang ina. Hindi na rin nya natapos ang kolehiyo dahil napilitan syang mag...