Lei
Sa oras na talikuran ko si Jennie ay ang oras din kung saan sobrang nawasak ang puso ko.
Patuloy lang sa pag luha ang aking mga mata hanggang sa nakapasok ako sa loob ng bahay. Pinuntahan ko muna si Hariette sakanyang kwarto. Parang mas lalo akong nasaktan pagkakita ko sa anak ko na umiiyak habang pinapatahan ni Nanay Nimfa.
Agad ko munang pinunasan ang aking mga luha bago ko ito lapitan.
"Mommy!" iyak nitong tawag sakin bago ito tumayo at patakbong lumapit sakin. "Nandyan pa po yung bad girl? Did she hurt you?" pahikbi hikbing tanong nito sakin habang nakayakap parin sa aking mga binti.
Iginiya ko muna sya sakanyang kama para makaupo kaming dalawa. "No, baby. Mommy is fine. Please stop crying na." malambing kong sabi dito habang pinapahid ang nga luha sakanyang magandang mukha. Pati ang anak ko ay naaapektuhan na.
Kakayanin ko pa kung ako lang. Pero kung nadadamay na ang anak ko, hindi na ako makakapayag.
"Nay, pwede po bang paki empake ng ilang gamit ni Hariette?" baling ko sa matanda na alam kong naiintindihan kung ano ang gusto kong mangyari. Gusto ko lang maprotektahan ang anak ko.
"Where are we going mommy?" Tanong nito ng marinig ang sinabi ko kay Nay Nimfa.
"May bibisitahin lang tayo, nak. Kaya dapat tulungan mo si Nay Nimfa, okay?" tumango lang ang bata pagkatapos ay tumungo na ito sa matanda.
Agad naman akong tumungo saming kwarto para maiayos narin ang aking mga gamit. Kailangan ko ito. Kailangan muna namin ng anak ko na umalis dito hindi lang dahil nasasaktan ako kundi para na rin maprotektahan ko si Hariette. Dahil baka sa susunod ay kung ano na ang magawa ko sa babae ni Jennie.
Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay nakita ko si Jennie sa may veranda na may kausap sa cellphone nya. Wala na akong pakielam kung sino man ang kausap nya.
Agad akong pumasok sa walkin closet namin at kinuha ang aking bagahe para paglagyan ng aking ilang mga damit.
Abala ako sa pag e'empake ng pumasok si Jennie dito sa walkin closet.
"H-hon, what are you doing?" takang tanong nito ng makitang naglalagay ako ng mga damit ko sa malaking bag.
Hindi ko ito sinagot at patuloy lang ako sa pag e'empake. "Hon, please, talk to me. Let me explain." hindi pa ito nakuntento at lumapit pa ito sakin habang lahat ng damit na nilalagay ko sa bag ay sya namang tinatanggal nito.
"You're not going anywhere. Hindi ako papayag!" madiin nitong sabi sakin. Hindi ko na muling kinuha yung mga damit na tinatanggal nya at madali akong lumabas ng walkin closet para makalabas na ng kwarto.
Hindi ko parin ito iniimik kahit panay ang salita nito. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang buong katawan ko.
Hindi pa mandin ako nakakarating sa pinto ay mabilis nitong kinuha sakin ang bag ko at inihagis ito sa may kama. "Hindi ako papayag na iwanan nyo akong muli! Hindi!" tinignan ko lang sya ng walang emosyon. Sobra sobrang sakit na yung nararamdaman ko.
"Please, Love. Let me explain. Hindi ko gustong maglih~~~" pinutol ko na kung ano mang kasinungalingan ang nais pa nyang sabihin.
"Explain? Para saan pa? Hindi ba't parang panis na yang paliwanag mo?" sabi ko dito habang masagana nanamang dumadaloy ang mga luha ko. "ilang ulit kitang tinanong. Ilang beses kitang binigyan ng pagkakataon para ipaliwanag ang lahat. Pero may inamin kaba sakin? Wala! Tapos ngayon, sasabihin mo, hindi mo sadyang maglihim? Alam kong wala akong pinagaralan pero wag mo naman akong gawing tanga!" mabilis kong iniiwas ang aking paningin sakanya dahil nakita kong umiiyak na rin sya. Baka biglang nanaman akong bumigay at bigla nalang syang patawarin.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (GxG) (Completed)
عاطفيةPinagmamalupitan sya at ang pinaka masaklap ay pinang bayad utang sya ng sariling ama. Sya si Lisa Lei Manoban, 24, naging miserable ang kanyang buhay simula ng mamatay ang kanyang ina. Hindi na rin nya natapos ang kolehiyo dahil napilitan syang mag...