Lei's POV
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatagos mula sa veranda. Late na kasi ako nakatulog kagabi dahil si baby ayaw akong patulugin.
Kusang sumilay ang malawak na ngiti saking mga labi ng maalala yung pag galaw galaw nya sa tiyan ko kagabi. Kinunan ko nga ito ng video, gusto ko makita ito ni Jennie. Paniguradong matutuwa ito. Tamang tama at linggo ngayon, ang alam ko ay hindi sya naalis kapag araw ng linggo, pero nagkukulong naman sa working room nya.
Bumangon na ako at nagtungo sa banyo upang maligo. Bukas nga pala ay araw ng check up ko. Hindi ko alam kung natatandaan pa ito ni Jennie dahil sa sobrang pagka busy nya, pero ipapaalala ko na lang din mamaya.
Hindi na ako nagtagal pa dahil hindi rin maganda sakin na nagbababad sa paliligo. Tumungo ako sa walk in closet upang kumuha ng isusuot.
Isang bestida ang aking napili na may disenyo ng mga bulaklak. Regalo sakin it ni nay nimfa noong nakaraang buwan. Nakita nya daw ito na suot ng isang mannequin para sa mga buntis at ako daw agad ang naisip nya.
Nakita ko ulit yung libro na nandito sa cabinet ko. Siguro ay kay Jennie ito noong nabubuhay pa si Cassandra.
Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin yung hirap na pinag daanan nilang mag asawa.
Nilang dating mag-asawa.
Pero gagawin ko ang lahat para hindi na ulit pagdaanan ni Jennie ang ganung bagay. Pipilitin kong ibigay ang lahat sakanya. Lahat ng magpapasaya sakanya.
Buhat sa naisip ay napangiti na lang ako at hinimas ang aking matambok na tiyan.
Aalagaan at mamahalin ko kayong dalawa.
Bumaba na ako at nagtungo muna sa kusina dala ang libro. Pupuntahan ko na lang si Jennie mamaya sa working room nya upang ibalik ito sakanya.
Si Myra ang nasa kusina habang busy sa paghahanda ng mga pagkain.
"Good morning, Myra." masigla kong bati sakanya.
"Magandang umaga din sayo, Lei. Doon kana umupo sa dining room at ihahanda ko lang ang umagahan mo." Balik nyang bati sakin na may ngiti rin.
"Hindi na. Dito na lang ako kakain. Si nay nimfa pala nasaan?"
"nako, inaatake ng rayuma si nana, kaya ako ang naghahanda nito." bigla naman akong nagalala para kay Nay Nimfa.
"Kumusta naman sya? May ininom naba syang gamot?" may pagaalalang tanong ko sakanya.
"Huwag kana magalala, ok na si nana. Pahinga lang kailangan nun. Eh ikaw, kumusta? Tinanghali ka ata?" tanong nya sakin habang hinahain ang almusal ko. Sinubukan kong tulungan sya pero pinalo nya lang ang kamay ko. Salbahe din tong batang 'to.
"Napuyat kasi ako gawa ni baby. Naglikot sya kagabi." masigla kong sabi kay Myra.
Bigla naman syang lumapit sakin at hinimas himas ang aking tiyan. "talaga? Nakuhanan mo ba sya ng video? Nasaan? Patingin ako please"
Natawa naman ako sakanya dahil halatang excited din sya para kay baby namin. "Oo nakuhanan ko. Mamaya ipapakita ko sayo. Pero kay Jennie ko muna ipapakit~~"
"Uuyyyy iba na yan huh. Type mo na si Ma'am Summer, 'no?" sabi nito habang sinusundot ang aking tagiliran. Jusko, ginawa pa akong teenager.
"Sira, hindi 'no. Syempre karapatan nya yun dahil anak nya tong dinadala ko. Huwag ka ngang ano nga dyan. Nakakahiya, baka may makarinig pa sayo." Pananaway ko sakanya pero may sinusupil namang mga makahulugang ngiti.
Inabala ko na lang ang aking sarili sa pagkain ko. Si Myra naman ay may mga pagkain na nilalagay sa dalawang tray. Para kanino naman kaya ang mga yun?
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (GxG) (Completed)
RomancePinagmamalupitan sya at ang pinaka masaklap ay pinang bayad utang sya ng sariling ama. Sya si Lisa Lei Manoban, 24, naging miserable ang kanyang buhay simula ng mamatay ang kanyang ina. Hindi na rin nya natapos ang kolehiyo dahil napilitan syang mag...