Chapter Nine

106 4 0
                                    

Derick's White hoodie

(the photo is from google)

Chapter 9 messed up

Lorriane's pov

"Disconnected to lorriane's car " narinig ko mula sa computer voice ng earpiece. Tinaggal niya ang connection namin sakanila kuya jerald para hindi marinig na naharang ulit kami at dahil kung oo malamang babalik sila.

"What the hell are you doing?" Tanong ko at hininto ang sasakyan sa hindi kalayuan sakanila sigurado naman akong hindi nila ako makikita dito.

"Get out of here"rinig kong sabi niya. Baliw nga siya anong tingin niya iiwan ko siya dito mag isa?! Narinig kong kinakatok na siya sa kotse niya. Natatanaw ko ang mga lalaking nasa bilang lima pataas.

"Don't get out drive back for a little bit" sabi ko at nakita ko naman na sinunod niya ang sinabi ko kaya mabilis akong nag drive papunta doon at huminto kung saan ang sasakyan ni tanda. Mabilis kong binuksan ang bintana ko at nag simula bumaril kaya nag tago ang mga kalaban.

"Throw explosive device on the middle car" sabi ko kay tanda at nakitang binaba niya din ang bintana niya at Hinagis ang device at sumabog agad. Umangat pa sa ere ang sasakyan dahil sa lakas ng pag sabog.

Himalang hindi ito umaangal.

Mabilis naubos ang bala ko dahil shot gun lang ang gamit ko may natanaw akong m16 na medyo malapit lang saakin kaya hindi na ako nag dalawang isip na lumabas para kunin yon.

"Damn lorriane! What are you doing!?" Galit na tanong ni tanda pero hindi ko siya pinansin at tuloy sa pag takbo.

Nahawakan ko na ang baril at hindi inaasahan na may kalaban pala doon at nakaabang na ito saakin para barilin ko. Nanlaki ang nga mata ko at bumaril ito mabilis man akong nakaiwas pero ang braso ko hindi at nadaplisan ng bala.

sa pangalawang pag kakataon hinanda ko na ang sarili ko sa balang tatama saakin.Pero laking gulat ko ng may humatak saakin at binaril ang lalaki na ngayon wala ng buhay.

"I said wear that damn hoodie" galit na sabi niya bago hinatak papunta sa kotse na ginamit ko. Mabilis niyang tinalian ng panyo ang daplis sa braso ko.

Walang salitang kinuha niya ang hoodie sa shotgun seat at siya mismo ang nag suot saakin.

"We'll meet to our house" yun lang ang huling sinabi niya bago siya bumalik sa sasakyan niya at nag drive paalis.

Naguguluhang nag drive na din ako paalis bago pa magising ang mga kalaban. Hindi ko na talaga maintindihan si tanda. Anong problema niya? Anong matutulong saakin ng hoodie na to? Napatingin naman ako sa hoodie tsk. Nakita ko itong suot niya noong nakaraan kaya pala amoy na amoy ko ang pabango niya.

Nakasunod lang ako sa sasakyan niya Hanggang sa nakarating kami sa mansion nila. Sa sobrang pag tataka ko hindi ko naalala na may sugat pala ako. Nanlaki ang mga mata ng mga taong nag aantay saamin sa loob ng mansion nila.

"Rine! What happened to you?!" Halos umiyak na natanong ni ate krissa at nilapitan agad ako habang kasunod sila ate jane at jazz.

"Huh?" Lutang na tanong ko.

"Who made this?" Galit na tanong ni ate jazz. At inangat ang braso ko na napangiwi pa ako sa sakit kaya mabilis na binitawan ni ate ng dahan-dahan.

"Ah kasi there's alot of abange--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil mabilis na may humawak sa kabilang braso ko at mabilis na hinatak paalis.

"What the he--!" Putol nanaman na sabi ko kaasar.

"Wait us here" sabi ni tanda kaya napatikom ang bibig nila ate na mag tatangka sanang mag tanong.

The Obvious Unseen (BOOK 2 TGYCT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon