Chapter 17 Amsean Welcome Party
Lorriane's pov
Halos palubog nanaman ang araw pag bangon ko sa higaan ko. Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto ko. Kanina pa ako nakakaramdam ng gutom pero nakatulog ulit ako. Ilang araw na akong puyat at kailangan kong bumawi ng tulog.
Pag baba ko wala akong nakitang tao siguro busy sila. Agad akong pumunta sa kusina pero hindi pa ako nakakapasok sa pinto agad akong napahinto. Nakita ko si kuya na may kausap sa kabilang linya. Mukang seryoso ang pinag uusapan nila.
"Just hide it " Rinig kong sabi ni kuya at mukang naiinis na.
Anong kailangan itago?
Mabilis akong napasandal sa gilid ng pinto dahil biglang lumingon si kuya kung nasaan ako.
Ilang sandali lang narinig ko na paalis na si kuya kaya dahan-dahan akong sumilip at nakitang palabas na siya papuntang garden. Pumasok na ako sa kusina para mag hanap ng pagkain.
Sakto naman na may pasta sa mesa kaya agad akong nag lakad papunta sa mga cabinet kung saan nakalagay ang mga plato. Halos mabitawan ko ang plato na kaka-kuha ko palang sa lalagyan dahil sa gulat.
"Kanina pa kita hinahanap" Sabi ni kuya na hindi ko alam saan galing. Diba kakaalis niya lang?
At ano kanina pa ako hinahanap? what's that joke?
"Kuya! Muntik ko na mabasag yung plato!" May halong inis na sabi ko at hindi pinansin ang sinabi niya.
"Anong ginagawa mo?" Panibagong tanong ni kuya. Kaya napatinign ako sakanya at halos hindi maka paniwala sa tanong niya.
"Kuya seriously? " sarcastic na tanong ko at kumuha ng pasta at nag lakad papasok ng dining room at umupo sa dining table at nag simula na kumain.
"I don't see you often" Out of nowhere na tanong ni kuya. Sumunod pala siya saakin.
"Maybe because I often sleep?" Alanganing sagot ko. Mag dagdag pa sana si kuya ng tanong pero biglang nag ring ang phone niya at agad na kinuha sa bulsa niya at nag lakad palayo. Kung sino man ang tumawag tama ang oras na napili niyang tumawag.
Tahimik na tinuloy ang pagkain dahil gutom pa talaga ako. Bahala si kuya dyan kung ano-ano nalang iniisip niya tsk. Hindi ko pa natatapos ang pag nguya ko bumalik na agad si kuya at mukang nag mamadali.
"We will leave in 5 minutes" Sabi na kuya kaya halos mabulunan ako sa sinabi niya.
"What ? why?!" Gulat na tanong ko at agad na kinuha ang isang baso ng tubig at mabilis na inubos agad ang laman.
"What ?" Balik na tanong ni kuya at napatigil sa pag lalakad.
"Im still eating kuya. Bakit ka ba nag mamadali at bigla nalang mag sasabi na we're leaving in 5 minutes?" Asar na tanong ko dahil nasira ang oras ng pagkain ko.
"It's Urgent" Sagot ni kuya.
"Im not coming with you kuya" Sagot ko rin at nag patuloy sa pagkain.
"Whether you like it or not you will come with me" Sabi ni kuya at tuluyan na lumabas ng dining room.
Anong akala niya saakin bata ? Na matatakot niya? napailing nalang ako. Mag sasabi siya na aalis eh hindi niya naman sinabi kung saan o kung anong meron. Minsan talaga hindi ko maintindihan si kuya.
May mas importante akong kailangan puntahan. Hindi pwedeng patagalin ko pa yon dahil malapit ko na makumpleto ang mga files na kailangan ko.
Kakain pa sana ako kaso nawalan na ako ng gana kaya hinugasan ko na ang pinagkainan ko at pag tapos umakyat na rin ako para bumalik ulit sa kwarto. Masyado pang maaga para kumilos ulit. Mahirap na nandito pa si kuya.
BINABASA MO ANG
The Obvious Unseen (BOOK 2 TGYCT)
Teen FictionSabay sabay nating alamin kung ano nga bang tunay na nangyari sa buhay ni devi. Matatahimik na lang ba siya o may pag asa pang ituloy ang kwento niya? TGYCT BOOK II sana magustuhan niyo parin at supportahan! Thankyou borahaeee💜💜 Read the book I fi...