Danica's Feather boa
(The photo is from google)
Chapter 1: school
Lorriane's pov
"Seriously kanina pa tayo dito hindi parin kayo nakakapili?" Naiiritang tanong ko.
"Kayo ba?" Tanong ni kuya vincent.
"Seryoso? Tanong yan?" Pikon na sabi ni ate jazz.
"Ilang ulit mo ng tinatanong yan!" Dagdag pa ni ate jazz. Hindi na sumagot si kuya vincent at nag kamot ulo nalang bago sumandal.
"Kanina pa tayo dito parang nakikikain lang ata kayo eh" Sabi naman ni ate krissa.
"We're giving you the chance to pick" sabat naman ni kuya jerald.
"Giving the chance? O lumilipad lang talaga utak niyo!" Asar na sabi ni ate krissa.
"Ate kalma" awat ko at pinipigilan ang tawa namumula na kasi ito mukang kanina pa nag pipigil ng galit.
"Alam niyo naman na ngayon tayo pipili kung saan tayo lilipat at saan din mag aaral si rine tama ba?" kalmang tanong ni ate jane.
"Ikaw kasi andre nag yaya ka pa kagabi" Mahinang bulong ni kuya Vincent kay kuya andre.
Hindi ko sure kung bulong ba talaga kasi narinig namin.
"Eh ikaw pala itong pasimuno!" Biglang sigaw ni ate jane at binato ng chips ni kuya andre na nagulat din.
"Eh sumama naman sila!" Katwiran niya.
"Nakakairita ka"dagdag pa ni ate jane.
"Bakit ako lang eh kasama naman silang lahat" katwiran nanaman ni kuya andre.
Napatingin naman ako kay tanda na nasa harap ko kasi kanina pa siya hindi nag sasalita.
Ang loko natutulog na pala!
"Shh" agad na sabi ko kasi napansin nila agad si tanda.
Tumayo ako at nakita ko yung feather boa ni danica na nakasabit sa upuan at kuha yon at lumapit ulit sa natutulog na tanda.
Nakita ko silang umiiling iling. Pero pag kakataon na to masira araw ni tanda.
Inangat ko ang kamay ko habang hawak ang feather boa at pinupulupot ng dahan dahan sa leeg ni tanda. Nakikiliti na ata siya kasi gumalaw galaw tumawa muna ako ng mahina bago sumigaw.
"TANDAA!!!" Sigaw ko bago ibinagsak sa muka niya yung natitirang parte ng feather boa at saktong dumilat ang mga mata niya.
"SHT!" Nanlaki naman ang mga mata niya at at mabilis na tumayo at may kinuha sa likod niya.
Nanlaki naman mga mata namin kasi binaril niya yung feather boa at nag kumalat sa ere yung mga feathers.
Lagot..
Tumingin siya saakin ng sobrang masama kung nakakamatay lang tingin hindi ko na kailangan mag college.
"What's your problem" mahinang tanong niya pero galit.
"Ikaw" sagot ko agad.
"Kuya kain ka muna" akward na sabi ni kuya vincent.
"Ikaw nag papunta saamin dito tapos tutulugan mo kami" sabi ko.
"Hindi mo ba kaya manggising ng maayos?" Galit na tanong niya.
"Hindi" sagot ko.
"You little witch!!!!" Galit na sigaw ni tanda at susugurin na sana ako.
BINABASA MO ANG
The Obvious Unseen (BOOK 2 TGYCT)
Teen FictionSabay sabay nating alamin kung ano nga bang tunay na nangyari sa buhay ni devi. Matatahimik na lang ba siya o may pag asa pang ituloy ang kwento niya? TGYCT BOOK II sana magustuhan niyo parin at supportahan! Thankyou borahaeee💜💜 Read the book I fi...