Chapter Fifteen

70 3 1
                                    

Chapter 15 Trespassing

Lorriane's Pov

"It's also not only yours" Sagot ko rin sakanya kaya napatingin siya saakin. Tinaasan ko siya ng kilay at hindi inalis ang tingin sakanya.

"Ano bang ginagawa mo dito ng ganitong oras?" Pag iiba niya ng usapan at unang nag alis ng tingin bago nag lakad papunta sa sofa na nasa harapan ko.

"anong gagawin mo sa mga files na yan?"balik na tanong ko sakanya at hindi ko nanaman pinansin ang tanong niya.

"anong pinaplano mo?" dagdag na tanong ko sakanya. hindi siya tumingin saakin at inipon isa-isa ang mga nakakalat na files na nasa table.

hinihintay ko na sumagot siya o mag salita manlang pero hanggang makuha niya na lahat ng papel na nasa mesa hindi parin siya nag salita. sinusundan ko lang siya ng tingin hanggang ssa tumayo siya at mag lalakad na sana paalis pero agad kong sinipa ang table papunta sakanya kaya iniwasan niya ito at agad na napaatras at napaupo ulit.

masama siyang tumingin saakin na tinaasan ko lang ng kilay. napasandal nalang ako sa inis sakanya.

"nawala na rin ba bibig mo ngayon?" tanong ko sakanya pero nakatingin parin siya saakin ng masama at mukang wala na talaga siyang balak sumagot.

"ay nawala na nga tsk" sabi ko at nailing-iling pa. tumayo na ako at inayos ang cap ko at mabilis na nilagay ang mga kamay ko sa bulsa ng hoodie ko.

"update mo ako kung nahanap mo na bibig mo ha ?" sarcastic na sabi ko at tumawa ng pilit bago tumalikod paalis at sumimangot nababaliw na siya.

nagulat ang dalawang guards na nasalubong ko at nag tataka aong tiningnan. malamang napaisip sila na hindi naman nila ako nakitang pumasok paano ako napunta sa loob na hindi ako napapansin.

hindi ko na sila pinansin ako agad na lumabas ng mansion nila tanda. lahat ng guard na madadaanan ko sinusundan ako ng tingin at hindi na ako nag abala na pansinin sila.

napahinto ako at napayuko ng konti at napahawak sa mga tuhod ko dahil hinigingal na ako nakakapagod mag lakad sa mahaba nilang driveway kaya hindi maganda na pumasok sa mansion na to na wala kang sasakyan.

napaangat naman ang tingin ko dahil may huminto na tao sa harap ko. nag angat ako ng tingin isa pala sa mga body guards dito. tinaasan ko siya ng kilay at lalampasan na sama siya pero nag lakad ito at humarang ulit.

"paano ka nakapasok dito?" may halong pag babanta na tanong niya saakin.

"malamang dumaan ako sa pinto" sagot ko at mukang nainis naman ito.

"walang naka kita sakanya pag pasok?" maangas na tanong niya sa iba pa niyang mga kauri. nag aalangan nama silang umiling.

"hindi kayo nag babantay ng maayos! mayayare tayo kay boss!" sigaw nito.

"baka gusto mong umalis sa harap ko bago ka nag si-sigaw dyan" asar na sabi ko dahil masakit sa tenga ang sigaw niya nakakairita.

anong klaseng body guards nanaman ni tanda ang mga to? ngayon ko lang din napansin na mga bago lang sila dahil ngayon ko lang nakita ang mga muka nila.

mga mukang hindi katiwa-tiwala.

mabilis akong nakaiwas sa pag tatakang hawakan ako sa braso ng guard na to.

"sure ka na bang gusto mong mabalian ng buto sa katawan?" tanong ko. hindi nito pinansin ng tanong ko at mabilis na nag tutok saakin ng mabaril.

"paano ka nakapasok?" galit na tanong niya sa pangalawang beses.

The Obvious Unseen (BOOK 2 TGYCT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon