Condo Part - 18

7.8K 10 0
                                    

Part 18 Mabuting Usapan

Sumakay si Carina sa aking kotse at ako nama’y di pa rin maalis ang pagkatingin sa magandang dalaga. This time ay simple ang porma ni Carina, naka ponytail ang buhok, walang make-up, naka lip gloss lang sya na natural at walang kulay. Ang damit naman niya ay simpleng body fit na dark puti at medyo bakat ang itim na bra pag malapitan. Slim jeans naman ang pang ibaba niya, pero the usual, pabango na naman niya ang lightblue.

“pasensya na kuya Bogs ha, sira pa rin kasi car ko. Sige mamaya ako naman mag libre sayo ng snack” wika ni Carina habang isinusuot nya ang seatbelt.

“it’s ok Carina, my pleasure. saka baka di tayo makapag snack may interview pa ako di ko alam until what time yun” sagot ko naman.

“ah ganun ba? uhm anyway just text me nalang if maaga ka makatapos, you have my number naman diba?” sagot ulit nya.

“o sige, uhm Carina, wag ka sana basta nag tetext ng medyo sweet baka mabasa ni misis” seryoso kong sagot.

“alin sweet dun? nagpasalamat lang naman ako sayo diba? sorry naman” paliwanag nya.

“kasi baka ano isipin ni misis, may smiley pa kasi e hehe” biro ko naman.

“feeling mo naman! haha” kinurot na naman ako ni Carina. Hindi naman masakit ang kurot niya, malambing na kurot ito at ang mga kuko nya ay hindi naman mahaba, sa katunayan ay may manicure pa ito na kakulay ng damit nya, dark blue. Magandang pagmasdan dahil maputi ang kutis ni Carina.

“buti naman inayos mo na ang suot mo?” tanong ko sa kanyang may ngiti.

“hmm, oo kasi baka manyakin mo na naman ako hihi” biro nitong sagot sa akin.

“ayan na naman, ako na naman ang manyak” sagot ko naman.

“huuu si kuya nagtatampo? haha…ako na nga mag treat sayo mamaya dahil sinabay mo ko papunta Megamall” balik niya sa akin.

“bakit ba kasi ang mga lalake laging dun nakatingin?” tanong niya.

“saan? dyan sa ano mo?” sagot ko sa kanya.

“yup kuya..saka naakit ba kita? haha joke lang! meaning kayang kaya ko pala maka-akit ulit ng lalake hahaha ang bad ko na kuya!” masayang tawa ni Carina.

“ano ka ba, kahit di mo ipakita yun sa ganda mo e madaming maaakit sa iyo” sagot ko sa kanya.

“wushuuu, nambola pa.. bait mo talaga kuya kaya love na kita as my bestfriend’s kuya hihi” sagot muli ni Carina.

Masaya kaming nagbolahan sa loob ng kotse patungong Ortigas. Wholesome pero minsan ay nahahaluan talaga ng six jokes pero walang malisya kay Carina. Kita sa kanyang mga mata na masaya na siya at hindi maitago na tuluyan na niyang nalimutan ang ex BF nya.

Nakarating kami sa megamall at duon na din ako nag park dahil lalakarin ko nalang sa likod ang building na pupuntahan ko. Nagpaalam kami sa isa’t isa at siya naman ay pumasok na ng mall.

“bye kuya Bogs! thanks ulit and sana makabalik ka maaga para mailibre kita” paalam sakin ni Carina.

Tumungo ako sa pupuntahan kong interview at habang naglalakad ay tumunog ang aking CP at isang message ang natanggap ko galing kay Carina.

CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon