Condo Part - 24

6.3K 8 0
                                    

Part 24 Hindi Magpapatalo

Habang nasa loob ako ng CR ay nagiisip pa rin ako ng alibi ko kung sakaling magtanong si Carina. Alam kong alam ni Carina na may ginagawa kami kanina dahil sa narinig na ungol ni Kat sa phone habang kausap siya. At isa pang dahilan ay ang sitwasyon ngayon na wala si misis sa unit at maging ang aming anak.

“hi friend! o ano ba dala mong DVD?” bungad ni Kat sa kaibigan.

“eto pili kana” sagot naman ni Carina.

Lumabas ako ng CR, sinadya kong hindi na magbrief para makita ko kung ano ang magiging reaksyon nino man sa kanila. Pero ang puntirya ko ay si Carina. Titignan ko kung hanggang saan nya kayang pigilin ang libog. Si hipag ay alam kong medyo di na ito papansinin kasi nga ay katatapos lang namin.

“hi girls, mukhang may pagkakaabalahan kayo ngayong gabi ah?” bati ko sa kanila.

“nonood lang kami ng DVD kuya, wanna join?” alok naman ni hipag sa akin.

Paglabas ko palang ng CR ay napatitig na si Carina sa aking harapan. Nahalata na nya siguro na wala akong suot na brief noon. Pero saglit lamang siyang tumitig dito at nagkunyaring namimili ng DVD.

“baka may papabili kayo? baba ako saglit dyan sa 7-eleven” wika ko sa kanila at pumasok muna ako sa room upang magdoble na lang ng pantalon.

“friend bili tayo ng chips? o maiwan kana lang dito i-ready mo na yan” si Carina ang nagsalita.

Pumayag naman si hipag sa sinabi ni Carina. Mukhang may balak talaga ito at gusto akong masolo. Tumungo si Carina sa kanyang bag upang kumuha ng pera at ako nama’y binuksan ko na ang pintuan. Naglakad kami papunta sa may elevator at medyo ilang saglit pa bago ito makarating sa floor namin.

“kumusta kana Carina?” bati ko sa magandang kaibigan ni hipag.

“sighhhh..hindi ok..” nakasimangot na sagot nito.

Para kaming nagaaway na magsyota. Hindi ako nagsalitang muli at bumukas na ang elevator. “after you…” sabay turo ko sa kanya na mauna nang pumasok sa elevator. Ang pagiging “gentleman” effect ko ang nagpangiti muli kay Carina.

“hmp! bakit ganyan ka…” sabay marahang kurot ni Carina sa aking tagiliran nang sumara na ang elevator door.

“bakit ba napakabait mo kuya Bogs?? and it is turning me on and on…and hindi ako papayag na si Katherine lang ang masasarapan!” sambit nitong muli.

“huh? what do you mean?” sagot ko naman.

“kuya Bogs, alam mo bad liar ka. Hindi ka marunong magpalusot e. Alam kong nagsesix kayo ni friend kanina nung kausap niya ako sa phone! at hindi ako papayag na ako e mabitin lang!” paliwanag niyang muli.

Magaling talagang makiramdam itong si Carina. Kung siya siguro ang asawa ko ay hindi ako makakapagtago ng anumang lihim. Hinalikan ko siya sa loob ng elevator. Hindi naman siya tumutol at bahagya pang napaungol ito.

Pabalik sa taas ng building ay dala dala ko ang six-pack na beer. Ako na din ang nagbitbit ng tsityeryang binili ni Carina. Sa elevator muli ay naging tuso si Carina. Kami lang ang sakay nuon at ang mga kamay ko ay may hawak parehas. Sinapo ni Carina ang aking ari.

CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon