Condo Part - 43

5.9K 7 0
                                    

Part 43 Ang Pangako

Nagtaka ako dahil hindi tumawag sa akin si Kat upang magpasundo, siguro ay ayaw din niyang makita ko si Carina gawa nga ng sabi na rin ng kaibigan na nagseselos siya kapag magkausap kami ni Carina. Dumiretso ako sa aming condo, sa parking area ay hindi muna ako bumaba ng kotse. Nagmuni-muni ako at sinariwa ang pagtatalik namin ni Carina kanina lamang.

Tinawagan ko ang aking misis at tinanong kung anong oras ko siya susunduin. Sinabi niyang mga 6PM, kung gusto ko daw ay si Kat muna ang puntahan ko. Tinawagan ko si Kat, “Kat? papasundo ka ba?” wika ko.

“kuya wag na, didiretso na ako kila Carina may sakit kasi siya, baka doon na din ako matulog pakisabi na din kay ate” sagot ni Katherine.

Dati ay sa lahat ng lakad niya ay nagpapahatid sa akin ang aking hipag. Medyo nanibago ako sa sinabi nyang iyon. Siguro nga‎’y nagseselos talaga siya. Sa aking isip naman ay ayos lang dahil nagkasundo naman na kami ng kanyang kaibigan ukol sa aming sekswal na relasyon. Lumabas na ako ng kotse at umakyat sa aming unit. Naalala ko ang tawag ni Jean kanina.

Tumawag si Jean kanina lamang, sinabing nasa manila na daw siya. Sabi ko naman na di ako pwede tonight dahil nga si misis ay naiba ang schedule. Nanghinayang din ako dahil kung pumayag ako ay maaaring makantot ko na din si Ms. Jean. “palay na nga ang lumalapit” sabi ng tinig sa aking isipan. Napailing na lamang ako sa mga naglalarong sitwasyon sa aking isipan habang ako’y nasa loob ng elevator.

Nagshower ako pagdating ko sa aming unit, hindi na kasi ako nakapagshower kila Carina kanina. Alas kwatro pa lamang ng hapon at dalawang oras pa bago ako sumundo kay Angel. Matapos akong maligo ay binuksan ko na lamang ang aking laptop upang mag internet. Inopen ko ang FB, nakita ko ang status ni Carina, “fever” ang nakalagay. Nagalala din ako dahil baka nga naman bumalik ang lagnat niya, pero sa isang banda ay naisip kong part ito ng palusot niya para walang maghinala na nagtalik kami kanina.

Online siya sa chat pero hindi ko siya kinausap, ganun din siya. Parehas kaming sumunod sa aming usapan. 5:30 ng hapon ay umalis akong muli upang sunduin ang aking asawa. Alam kong hindi ako makakaiskor sa kanya ngayong gabi dahil galing siya sa 16-hour duty. Naghanda na lang ako ng kanyang makakain at nilinis ang aming kwarto upang makapagpahinga siya mamaya.

“how’s your day babe?” tanong ko sa aking asawa habang pauwi na kami.

“eto pagod..sorry no entry mamaya hahaha” biro pa ni Angel.

“kay sis ka nalang tonight hihihi” dugtong pa niya. Sinabi kong baka doon matulog si Kat kila Carina dahil may sakit daw ang kaibigan. Parang nalungkot pa si misis sa aking sinabi. “ok lang babes, pass muna ngayon” wika ko naman.

Hindi alam ni misis na nakaraos na ako sa kaibigan ni hipag. Kahit na mas maganda ang aking asawa sa kapatid at maging kay Carina ay iba parin ang alindog ni Carina. Si Angel ang original, si Kat ang pinakamasikip, si Carina ang paborito ko. Si Jean kaya? napangiti pa ako sa mga naiisip ko.

Hindi naman ito nakita ni misis, nakatulog na kasi siya habang kami ay nasa byahe. Ginising ko na lang siya nang kami’y nasa parking na. Kumain si misis at naligo pagkatapos. Gusto rin sanang makipagtalik ng aking asawa ngunit hindi na talaga kaya ng kanyang katawan. Bago natulog ay nagbilin pa siya na tawagan muli si Kat kung uuwi pa at sunduin ko daw.

Nagpapaantok ako sa harap ng TV ay tumunog ang aking CP. Si hipag ang tumatawag, “kuya Bogs, pasundo naman oh, dumating na kasi kapatid ni Carina may kasama na daw siya” wika ni Kat. Nagbihis ako at nagtungo sa bahay nila Carina upang sunduin ang aking magandang hipag.

CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon