Condo Part - 16

6.6K 10 0
                                    

Part 16 Ang May Hawak ng Alas

Magkahalong kaba at libog ang namutawi sa aking sarili nang sandaling nilingon ko kung sino ang kumalabit sa akin habang naglalakad ako sa loob ng Megamall. Hindi pa man ako lumilingon ay isang pamilyar na amoy ng pabango ang humalo sa hangin. Tama nga ako, si Carina ang babaeng kumalabit sa akin at may ari ng pabangon humalimuyak.

“kuya Bogs!” bati ni Carina sa akin.

Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil para akong nakakita ng artista. Huli kong nakita si Carina na naka porma ay noong isang gabing gumimik sila ni Kat. Puro kasi white nursing uniform ang suot niya kapag kami’y nagkikita. Ngayon ay kakaiba, Sleeveless na tops, leggings, at naka-ponytail ang buhok niya. Hubog na hubog ang katawan ni Carina sa kanyang suot. Isang babaeng talaga namang lilingunin ng sinumang lalake sa loob ng mall.

“do i know you?” sagot ko kay Carina.

“huh? a ganon?” masungit na sagot ni Carina at sabay irap.

“hahaha joke lang! iba kasi itsura mo mas gumanda” bawi ko naman sa kanya.

Naka lipstick kasi siya that time na hindi nya nilalagay kapag naka nurse uniform. Nagkumustahan kami dahil halos isang buwan din siyang hindi nadaan sa aming condo upang dalawin si Kat. Hindi naman ako nagtatanong kay hipag tungkol sa kanya dahil baka iba ang isipin ni hipag.

Nag-hiwalay na pala si Carina at ang kanyang BF 2 weeks ago. Kaya hindi siya nakakadalaw kay Kat ay yun yung time na nagkakalabuan sila ng BF nya. At ngayon ngang hiwalay na sila ay nag eenjoy naman daw siya bilang isang single. Kumislap ang mga mata ko ngunit naalala ko naman ang nakita niya noon. Pinawisan at namutla akong muli kahit na malamig sa loob ng mall.

“kuya?” tanong ni Carina?

“may sakit ka ba? halika nga” sabay lapit ni Carina at hipo sa aking noo.

“wala parang nahilo lang ako” palusot ko.

Napatigil at tumingin ng seductive si Carina sa akin.

“hmmm, ah naalala ko na kuya. I know why, hihihi” wika ni Carina.

“don’t worry kuya, safe sa akin yung sikreto mo hahaha” sabay tawa ng malakas ni Carina.

Tutal ay nakita naman na ni Carina at may alas na siyang hawak ay naglakas loob na akong tanungin kung ano talaga ang nakita nya upang lumuwag na din ang aking loob.

“Carina look, I don’t know where to place myself. What did you actually saw?” tanong ko sa kanya na seryosong mukha.

“wala yun kuya, kiss lang naman e. Gaya ng sabi ko dati kiss lang naman.” sagot ni Carina.

“I guess someone have to treat me a snack, hahaha blackmail ba kuya?” patuloy nito.

Hinawakan ako ni Carina sa aking mga kamay. Tumitig na parang nangaakit. Hindi ko maiwasang tumingin sa cleavage niya na sumisilip kapag siya ay gumagalaw. Nang makita niya akong nakatitig sa kanyang cleavage ay yumuko siya upang tignan kung ano ang tinititigan ko. Pag yuko ay tumingin ulit sa akin at parang masungit ang tingin.

“c’mon kuya, let’s go i’m starving na kanina pa ako paikot-ikot dito sa mall” seryosong wika ni Carina.

“teka san tayo pupunta?” tanong ko naman sa kanya.

CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon