Condo Part - 7

10.3K 11 0
                                    

Part 7 Selos, Libog at Limitasyon

Sinundo ko si Kat sa pinagtatrabahuhang hospital. Napansin ko na may isang lalake na kasabay nyang naghihintay sa labas ng hospital. Tila naguusap sila ng seryoso. Napangiti si Kat ng makita ang kotse ko. Bigla nitong iniwan ang kausap at nagtungo sa drop off area kung saan ako huminto.

“good morning kuya Bogs!” bati nito sa akin sabay kurot sa gilid ko.

Taas ang kilay ko sa loob ng kotse. Napansin ito ni Katherine at kinurot na naman ako sa tagiliran.

“kuya! bakit ganyan ka tumingin??” tanong niya sa akin.

“hmp!” tanging sagot ko.

“hmmmmm..aha..nagseselos ang paborito kong kuya ah!” wika niya.

Hindi na ako nagtanong at siya na mismo ang nagkwento. Bagong lipat daw na nurse yung kasama nya kanina at tila nanliligaw daw. Sinabi din ni hipag na hindi naman daw siya seryoso at ayaw magkaroon ng commitment. Napangiti na ako sa mga sinabi nya.

“uyy ngumiti na din si kuya…” sabay kiliti nya sa akin.

“baka naman lokohin ka lang nun ha” warning ko sa kanya at seryosong sabi.

“ako pa ang manloloko sa kanya noh!” tugon nya sa akin. Matapos akong kilitiin ay pilit inabot ni Kat ang aking pisngi saka numakaw ng halik.

“o behave..” sabi ko sa kanya.

Natigilan siya at bumalik sa pagkakaupo. Nalungkot ang mukha pero sandali lamang at pasimpleng ngumiti at nagkunyaring iidlip daw. Nakarating kami sa condo at pumasok na sa aming unit. Naghihintay ako ng kanyang gagawin. Ayoko rin namang ako ang mauna at naiisip ko mga sermon ni misis.

Matapos maligo ay tumabi sa akin sa sofa si Kat. Nakadamit na ito at maikling shorts. Di gaya kahapon na nakatapis lang. Habang pinapatuyo ang buhok ay tinatanong kung ano ang aking pinapanuod. Sagot naman ako at paminsanminsan ay tumitingin sa kanya. Wala na namang bra si hipag. Hindi ko alam kung nang aakit or talagang di na siya nag suot kasi matutulog na din sya.

Makalipas ang kalahating oras na panunuod ng TV at konting usapan ay nakatulog na si Kat sa sofa. Nakahilig sya sa akin at ang balikat ko ang kaniyang unan. Pinagmasdan ko ang kanyang mga dede. Bakat ang utong nito ngunit di gano matigas. Marahil pagod talaga si hipag at walang libog sa naiwan. Binuhat ko na siya papuntang kwarto at inihiga. Binuksan ko aircon at kinumutan para kumportableng makatulog ang aking hipag.

Lumipas ang ilang araw at parehas lang ang naging takbo ng aming buhay. Hatid sa asawa, hatid sa anak, sundo sa anak, tapos kay misis. Minsan lang nagpapahatid at sundo si hipag, kapag wala lang siya makakasabay na kasamahan. Isang linggo ang lumipas at tanging ang asawa ko lang ang aking natikman. Tanging halik sa pisngi lang ang natanggap ko kay Kat kapag hinahatid ko sya. Lagi na syang tulog pag uwi galing ng duty.

Weekends ay pupunta kami kila byenan. Kasabay namin si Kat at nagtaka ako bakit dala na nya ang malaking bag nya. Tapos na daw pala ang duty nya na pang gabi. Isang linggo lang pala yun at pang umaga naman na sya. Nalungkot ako sa aking loob at nag paubaya na lamang. Nandito naman si misis pakonsuelo ko sa sarili.

Isang linggo ang lumipas na solo naming mag anak ang condo. Alam ko sa  aking sarili na namimiss ko din ang aking hipag. Kahit na hindi kami nagtalik madalas noong nandito sya ay yung mga halik nya sa akin kapag hinahatid ko sya ang namimiss ko. Minsan habang sabay kaming kumakain ni misis ay bigla kong naitanong sa kanya ang tungkol kay Kat.

CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon