Condo Part - 31

5.6K 7 0
                                    

Part 31 The Project

Nagpaalam si Carina na uuwi na raw upang magpahinga at para na rin hindi na abutan ni misis at baka mabuking pa kami. Hindi naman na nagpahatid si Carina at ikinalungkot ko rin ito. Siya na din ang nag decide upang hindi na rin magduda si hipag na nagsesix kami dati pa man.

Nagpapahinga ako at naalala ko ang nagtext sa akin, si Ms. Jean. Na-approve na kasi yung order na materials sa kanya at tiyak na malaki ang kumisyon niya dito. Naipangako din nya na ililibre nya ako dahil naging daan ako upang aprubahan ito ng aking kliyente. Nireplyan ko siya upang kumpirmahin na available ako ngayon. Kusa kong nagawa iyon, siguro ay may pagnanasa na rin ako sa ahente. Nagpaalam ako kay hipag na nakahiga pa sa kama at puyat din.

“kuya are you sure sa office ka?” duda sa akin ni hipag. Medyo nainis pa ako dahil nagdududa na ang aking magandang hipag.

Tinawagan niya si Carina, sinabing siya naman ang tatambay sa kanila dahil aalis din ako. Hindi naman ako tanga upang hindi ma-analyze na sinigurado lang ni Kat na hindi kami magkikita ni Carina. Mukhang masama pa pala ang nangyaring threesome namin dahil sa “selos” ni hipag sa kaibigan ay bantay sarado kami ngayon at maaaring di na kami makapagtalik ng solo. Pero ganun pa man ay alam kong gagawa at gagawa ng paraan si Carina upang mapagbigyan ang init ng kanyang katawan.

“hello Ms. Jean?” tinawagan ko si Jean habang palabas ako ng parking ng building.

“hi sir! na-cancel kasi yung isang product presentation ko sana ngayong umaga, naalala kita eh may utang pa nga pala ko sayong lunch, ok lang ba sir?” wika niya.

“o sige ba, dadaan lang ako sa site then kita tayo, san ka ba manlilibre?” sagot ko naman.

Napagkasunduan nalang namin na sa Robinson’s Galleria magkita at doon na din mananghalian. Pumayag na din ako upang maiba naman at kung sakali mang mag mall ang dalawa, Kat at Carina, ay tiyak na sa Megamall sila at iwas intriga. Mag aalas-10 ng umaga ay natapos ang meeting namin sa site. Dumiretso na ako sa Rob upang hintayin si Ms. Jean, sakto namang nag text siya at sinabing nauna na pala siya doon dahil nainip na siya sa isang opisina na pinuntahan niya.

Nagkita kami sa isang restaurant at kakaibang Jean ang nakita ko, conservative ang suot niya unlike sa naunang suot niya kapag may demo sa opisina. Kung dati ay malalim na neckline na halos kalahati na ng kanyang suso ang kita ay ngayon ay simpleng body fit lang. Kapareha nito ang skinny jeans na uso sa mga kababaihan. Ganun pa man ay hubog pa rin ang malusog niyang dede sa kasuotan.

Parang freeday ko that time dahil si misis ay hapon pa ang uwi at ang dalawang babaeng kasix ko kagabi ay iba ang pinagkakaabalahan. Kahit na lagi akong tinatawag na “sir” ni Jean ay naging panatag naman na ang loob nito sa aming kwentuhan habang kumakain. Nakakapagbiro na din siya at galak na galak sa mga biruan namin.

“sir di ko talaga alam na may asawa at anak na kayo dati, kala ko binata talaga kayo hihihi” biro pa nito.

“ikaw talaga, na close mo na nga yung deal at kumita kana nambobola ka pa rin” wika ko naman.

“siguro maganda asawa mo sir noh?” tanong pa nito.

“siyempre naman, di naman ako pipili ng hindi maganda at of course magaling” namula si Jean sa aking sinabi. “magaling magalaga” dugtong ko. Natawa naman siya.

“kaya siguro iniwan ako ng ex ko e di ako ‘magaling'” sabi naman niya na medyo sumimangot.

Noon ko lang nakasama at nakaharap ng matagal at malapitan itong si Ms. Jean. Magaling ang marketing director ng company nila dahil talaga namang mapapa oo ka kahit anong ialok nilang produkto. Simple lang siya pero sa isang angulo ay may hawig kay Ann Curtis, dahil sa labi niyang “pouty” ika nga. Kulang man siya sa height (siguro ay flat 5 feet lang) ay bawi naman niya sa lusog ng kanyang hinaharap. Naitanong kong muli sa aking isip kung bakit may lalaking umiiwan sa mga ganitong babae. Siguro ay sa ibang aspekto sila nagkukulang.

CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon