Condo Part - 42

6.9K 10 0
                                    

Part 42 May Dahilan ang Lahat

“Carina?” ang wika ko ng mahina pagpasok ng bahay nila Carina. Malamang ay wala siyang kasama that time dahil ang tahimik ng loob ng bahay.

“dito kuya sa room ko, on your right” sigaw niya mula sa kwarto. Tila parang nakikita niya ang mga galaw ko at siya ang naguutos kung ano ang susunod na kilos ko.

Kumatok ako sa bahagyang nakabukas na pintuan ng kwarto niya. First time ko actually makapasok sa loob ng kanilang bahay lalo na sa kwarto niya. Noong hinahatid namin siya ni Kat ay hindi na kami bumababa ng kotse. Itinulak ko ang pintuan dahan dahan at nasilayan ko ang magandang dalaga na nakahiga sa kanyang kama.

Malamig ang loob ng kwarto dahil sa aircon, malinis ang room ni Carina. Nakakumot siya at parang may sakit. “what happened?” nagtataka kong tanong sa kaibigan ni hipag.

“parang lalagnatin ako kuya e, salamat nagpunta ka dito” wika niya.

Nagalak ako sa sinabi niyang iyon, sa halip kasi na ang boylet nya ang tawagan ay ako pa ang naisip niya. Lumapit ako sa kama at naupo sa gilid niya. Nakita ko sa mga mata ni Carina ang saya ngunit nang hawakan ko ang kanyang noo ay mainit-init nga siya, may sinat.

“ayan, uminom kapa kasi kagabi eh..nakainom kana ba ng gamot?” tanong ko din sa kanya.

“yes kuya Bogs, i just want somebody to be here with me” sagot niya.

“nasan yang BF mo?” tanong ko muli.

“kuya…he’s not my BF.ok? ang kuya ko nasa out of town e” paliwanag niya.

Tinanong ko naman sya kung ano ang gusto nya, pagkain o kung ano man. Sabi niya sa akin ay wag na kasi nakakain naman na siya. Gusto lang ng dalaga na may kasama at kausap. “si Kat nasaan? saka bakit di kayo sabay pumasok? sabi niya sinundo ka daw ng BF mo diba?” tanong ko kay Carina.

“naiwan si Kat sa hospital, hindi naman pwedeng dalawa kaming mag off. Si RC naman hinatid lang ako tapos wala na, nagtaxi nga ako pauwi e” paliwanag ni Carina.

“sana kanina mo pa ako tinawagan, sinundo na sana kita” sabay himas ko sa noo muli ni Carina. Mainit pa rin.

“eh malay ko ba kung kasama mo si ate Angel, ok lang yun kuya, at least nandito kana” masayang wika ni Carina. “sana ikaw nalang talaga BF ko kuya…” malambing na dugtong ni Carina. Humilig ng higa si Carina sa aking hita, inilipat ko naman ang aking kamay sa isang side niya at tinapik tapik ang balikat niya.

“kahit di kita kaanu-ano isang tawag ko lang sayo nandito ka agad kuya..” wika pa nito.

“ok lang yun Carina, alam mo namang malakas ka sa akin e” sagot ko naman.

“kahit na hindi na tayo nagse-six?” pabiro niyang tanong. “kahit nabitin ka sa akin kagabi?” sabay tawa ng dalaga.

“ano ka? ako nilabasan dahil kay Kat…hahaha ikaw umuwi lang hehe” biro ko din naman.

Nagkatawanan kami at nagkwentuhan halos 30 minutes din, umangat si Carina mula sa pagkakahiga at sumandal sa headboard ng kama niya. Magkatabi kami ngayon na nakaupo sa kanyang kama.

“bakit mo natiis Carina?” tanong ko sa kanya na seryoso.

“alin? yung kagabi? well aminin ko na kuya, sa atin lang ito” wika ni Carina at ako nama’y nakinig ng mabuti sa sasabihin niya.

CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon