"Mommy sino yang pinipinta mo?"tanong ng anak ko
"Gusto mo bang malaman kung sino sya?"
"Opo, ang lungkot ng mukha nya eh"sabi naman nito
"Isa syang nagpipinta ng mga magagandang tanawin noon, meron syang isang karelasyon na labis nyang minahal pero niloko lang sya nito at ginamit."
"Ano po ang sunod na nangyare?"
"Buntis ang babaeng ito noong maghiwalay sila ng kanyang nobyo, at dahil ginahasa sya ng lalaking mahal nya ay nagbunga iyon. Kahit nahihirapan na ang babaeng ito ay inisip nya parin ang kanyang anak sa kanyang sinapupunan dahil ayaw nyang maranasan ng bata ang naranasan nyang paghihirap noon."pagpapaliwanag ko naman sa kanya
"Mommy kilala nyo po ba ang babaeng yan? Bakit nyo po alam ng kwento ng buhay nya?"
"Ang babaeng ito ay ako at ang batang dinadala ko sa sinapupunan ko noon ay ikaw. Ikaw ang bunga ng pagpapakasakit sakin ng iyong ama. Pero kahit kailan hindi ko inisip na ipalaglag ka dahil mahal kita anak ko."at doon na tumulo ang luha ko
Ang masayang pamumuhay ko noon ay napalitan ng lungkot dahil sa nakaraan ko, pero ng dahil sa anak ko ay muling nabigyan ng kulay ang mundo kong puno ng dilim.