THE PRIEST

11 4 0
                                    

"Fr.Anthony! Fr.Anthony!"pagtawag ko

"Ano iyon iha? May kailangan kaba?"tanong naman nito, sya si Fr. Anthony hindi pa naman sya ganoon matanda parang nasa 30's palang sya.

"Para lamang po sa assignment ko fr. Hehe"

"Sige, ano ba iyon?"

"Pangarap nyo po bang maging pari nung bata palang ho kayo?"

"Hindi"maikli nitong sagot

"Bakit po ngayon ay napunta kayo sa pagpapari?"seryosong tanong ko rito

"Gusto mo ba talagang malaman iha?"

"Oo naman po"nahihiyang sagot ko

"Bata pa lamang ako pangarap ko ng maging Manunulat ng mga istorya, hanggang sa nagbinata ako at sa makapagtapos ng pagaaral ay tsaka ko nakilala ang isang babaeng nakabihag sa'king puso. Napakaganda nya kahit ngayon din naman, niligawan ko sya noon at sinagot nya ako, masaya kami noon at hanggang sa kailangan nyang umalis at pumunta sa ibang bansa"

"Ano pong nangyare?"

"Sabi nya babalik sya after 8 years kaya hinintay ko yun, nagseseminar na rin ako nong makaalis na sya dahil ipinangako ko na kapag hindi nya ako binalikan magpapari na lamang ako"

"Bumalik po ba sya"tanong ko

"Oo at saktong kaarawan ko iyon, pero ng magkita muli kami ay may pamilya na sya, ang saya nila habang ako wala ng nagawa kundi suportahan sya"

"Ayon po ba ang dahilan"

"Hindi naman ako nagsisi dahil mas naging malapit ako sa diyos, kaya ngayon masaya na rin ako bilang isang ganap na pari"

Nang malaman ko ang kwento nya ay may naramdaman akong awa, ewan ko kung bakit pero bilib ako sa kanya dahil nagampanan nya iyon.

"Salamat po fr. Anthony"

"Walang anuman iha, paki-kamusta nalang ako sa iyong nanay"

At ngayon ko lang napagtanto na ang mama ko pala ang babaeng tinutukoy nya.

Random StorieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon