Ako Na lang Sana

28 4 0
                                    

"Hoy! May bagong upload yung crush mong writer!"saad ng isa kong kaibigan

"Tapos ko ng basahin"sagot ko naman

"Naks naman tol! Adik na adik kana talaga kay Serenity!"pang-aasar nito

"Tsk, sira ulo!"

Matagal ko ng gusto si Serenity at ng dahil sa kanya ay nagpursigi din akong magsulat ng mga istorya, kahit hindi man ako sikat ay ayos lang sa'kin.

"Bro? Bakit hindi mo na lang ichat o kausapin yang si Serenity?"biglang tanong ni Clyde

"Matagal ko na rin gustong gawin yan pero-"

"Pero? Ano?"

"Takot ako na hindi mapansin at mabaliwala"mahinang sagot ko

Sa totoo lang gusto ko na syang kausapon pero takot ako na mareject, pero baka ito na nga ang tamang panahon para aminin ko na nararamdaman ko para sa kanya.

"Sus! Itry mo kasi, hindi yung ganyan ka ang torpe mo naman"

Sana ganon lang kadali yun.

Nang makauwi na kami ay agad kong binuksan ang acc ko at saka naglakas loob na chinat si Serenity.

"Magandang gabi"chat ko dito

"Magandang gabi rin sa'yo"reply naman nito

"May gusto lamang akong aminin, pero kapag sana sinabi ko iyon wag mo'kong lalayuan"

"Sige ba. Ano ba iyon?"

"Gusto ko lang ipaalam sa'yo na matagal na kitang gusto at ikaw ang dahilan ng pagsusulat ko. Nang dahil sayo nagkaroon ng kulay ang mundo kong dati ay puno ng dilim, kaya sana sa pagamin kong ito ay matanggap mo ako dyan sa puso mo"mahaba kong reply sa kanya

"Pasensya kana, pero hindi ikaw yung tipo na lalaking pangarap ko. Pasensya na kung hindi kita matatanggap dahil may iba na akong gusto at hindi ikaw iyon"

Sa sinabi n'yang iyon ay biglang tumulo ang luha kong kanina pang naguunahan sa pag-agos.

Sana hindi na lang ako umamin para hindi ko naramdaman ang tunay na sakit na nagmula sa taong gusto mo at pinapangarap mo.

Random StorieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon