"Baklaaaa!!"
"Mamatay ka ng bakla ka!!"
"Salot sa lipunan!!"
"Walang ambag sa mundo pwe!!"
Ayan ang lagi kong naririnig sa mga taong nakapalibot sa'kin kesyo daw isa kong salot sa lipunan at walang ambag sa mundo.Kasalanan ko bang maging ganito ako??, gusto ko lang naman na maging masaya at maging malaya sa pagiging isang bakla, bakit ba hindi nila maintindihan yon??.
Kahit isa akong bakla ay may rerespetuhin parin ako kaya hindi ko nalang pinapatulan ang mga nangungutya sa'kin kahit masakit na para bang dinudurog ng paulet-ulet ang puso ko at inaapakan ang pagkatao ko.Masakit man para sa'kin ang mga nangyayare pero tatanggapin ko parin dahil alam ko naman sa sarili ko na matatanggap din nila ko bilang isang bakla na kabilang sa LGBT.
Hindi lahat ng tao naiintindihan ako, pano nga ba nila ako maiintindihan??Pano nila ako matatanggap??Kailan nila rerespituhin ang mga katulad ko??.Ayan ang laging laman ng isip ko kung kailan ba nila kami matatanggap.Minsan naisipan ko ng magpakamatay dahil sa depresyon pero hindi ko nagawa dahil parang may pumipigil sa'kin na wag kong gawin yon.
--------
MAKALIPAS ANG SAMPUNG TAON30 yrs old na ako ngayon at hindi parin nawawala ang mga taong nanggugulo at nangaapi sakin, pero ngayon isa na akong magaling na designer at isang C.E.O ng companya.Dahil sa mga pangaapi na naranasan ko don ko kinuha ang lakas ng loob upang malagpasan ang lahat at hindi ko ipinakita sa kanila na nahihirapan ako.
Maging malaya kayo at wag nyong ikahiya kung ano ang pagkatao nyo, bakla ka man o tomboy dapat nating ipagmalaki ito.
Ako si Jerald na ngayon ay Jerralyn na at naging isang matagumpay na tao dahil hindi ko ginawang hadlang ang pangungutya nila dahil sa bakla ako kundi ipinagmalaki ko pa ito.
THE END
