"Ang sakit mo namang mahalin."
"Ginawa ko ang lahat, pero di ka nanatili. Nakakapagod, nakakasawa kang intindihin alam mo ba 'yon?" huminga ako ng malalim atsaka nagpatuloy sa pagsasalita."
"Syempre hindi, dahil kahit nung umpisa palang ay hindi mo na ako iniisip kung masasaktan ba ako. Nadepress rin naman ako at kailangan kita pero s'ya parin ang pinuntahan mo, s'ya pa rin ang cinomfrot mo! Pano naman ako? Ganon ba ako kawalang halaga sa 'yo?" sabi ko habang patuloy pa rin ang pagtulo ng aking mga luha."
"Hindi ko sinasadyang masaktan ka Liersha."
"Ganyan naman palagi, na hindi mo sinasadya pero sinadya mo! Ayoko na nang ganito, ang mabuti pa ay itigil na natin 'to."
"Wag." sabi nito atsaka ako tuluyang umalis sa harapan nila at hindi alam kung saan ako tutungo."
