"Love! Kuhanan mo naman ako ng picture"nakangiti sabi ng nobya ko kaya agad ko naman syang kinuhaan ng litrato
"Ang ganda love! Ang galing galing mo talaga! I love you"
"Mahal din kita"tanging sagot ko
Sayang balikan ng panahon na nakikita ko sa mga larawan noon, mga litratong magkasama tayong dalawa at mga litrato mo na napakaganda.
Pero ngayon isa na lang akong taga kuha ng litrato sa kasal ninyong dalawa, kita ang ngiti sa iyong magagandang mga labi kasama ang taong mahal mo.
Nang dahil sa isang pagkakamali ay nawala ang lahat ng pinaghirapan kong kunin lalo na ang taong mahal ko.
