Habang nags-scroll ako, ay may nagpop up sa message ko, kaya agad ko itong binuksan at binasa.
"Hi"chat sa'kin ng isang babaeng, nagngangalang Liza
"Hello"reply ko naman rito, at agad naman itong nagreply pabalik
"Kamusta ang araw mo?" reply nito sa'kin kaya nireplyan ko rin agad sya
Makalipas ang isang linggo ay lagi na kaming magkausap, lagi kaming nagkukwentuhan sa mga nangyayari sa'min, kung ayos ba kami o hindi, minsan pa nga ay nagvivideo call pa kami pero walang nagsasalita sa'ming dalawa.
Kinabukasan ay birth day nya kaya nagplano ako na isurprise sya kahit online lang.
"Hi sili"chat ko sa kanya, agad naman itong nagreply
"Hi! And good morning!"pagbati nito sa'kin
"Wala ka bang nakakalimutan ngayong araw?"pahabol nitong reply
"Ha? Wala naman, bakit anong meron ngayon?"replyan ko naman rito na kunwari ay wala akong alam
"Ah ganon ba? Hayst"chat nito na may kasamang sad emoticon
"Bat ka malungkot sili?"pagtanong ko rito
"Kasi naman hindi mo naaalala kung anong meron ngayon, hmp! Ang saya ko pa naman kasi akala ko babatiin mo'ko"mahaba nitong reply
"Ano ka ba naman sili? Akala mo nakalimutam kong bday mo? Hindi no, ikaw pa lab na lab kaya kita"tugon ko naman
"Ikaw kasi ehh! Hmp! Tampo tuloy ako"mabilis naman nitong reply sa sinabi ko
"So ayon na nga may pinadala ako dyan sa inyo abangan mo nalang okay? So happy bday sili, always remember na nandito lang ako palagi ah, at lagi mo rin tatandaan na mahal na mahal kita"pagbati ko rito
"Salamat! Mahal din kita"tugon naman nito, na ikinakilig ko
Matagal ko ng gustong umamin sa kanya na may nararamdaman ako kaso natatakot ako na baka hindi nya ako payagan na manligaw kaya hindi ko muna ginawa, kaya ngayong kaarawan nya naisipan ko ng ipagtapat ang nararamdaman ko at hindi na ako nagdalawang isip pa.
"Ah Liza? May gusto sana akong sabihin sayo"chat ko naman sa kanya
"Hm? Ano un?"tanong naman nito
"Gusto kita, matagal na, natatakot lang akong umamin dahil baka hindi mo ako sagutin"pagtatapat ko
"Gusto rin naman kita"reply nya naman, hindi ko alam ang mararamdaman ko ng sabihin nya yon sa'kin, ang saya ko sobra
"So tayo na ba? O liligawan muna kita?"tugon ko naman
"Wala ng ligaw-ligaw tayo na agad"reply nito atsaka tumawa
Makalipas ang tatlong buwan ng sagutin ako ni Liza ay ipinaalam ko na agad sa ate ko pero hindi sya naniniwala sa'kin.
"Tumigil ka nga dyan Ryan, wala ka namang girlfriend, nasisiraan kana talaga"tugon nito
"Ate totoo lahat ng sinasabi ko, bakit ba ayaw mong maniwala sa'kin? At isa pa hindi ako nasisiraan ng utak okay!"pasigaw ko rito
Habang tumatagal ay pinagkakamalan ako ni ate na nababaliw daw ako, hindi ko alam kung bakit ganon nalang lagi ang sinasabi ni ate sa'kin.
Matagal na kami ni Liza, sobrang saya ko dahil nakilala ko sya at masaya ako dahil naging parte sya ng buhay ko.
"Ate!"pasigaw kong paghahanap sa ate ko
"Bakit? Kung makasigaw ka naman" tugon naman nito sa'kin
"Alam mo ba ung girlfriend ko, sabi nya magkikita na daw kami sa susunod na linggo at ang sabi pa nga nya ipapakilala nya na daw ako sa pamilya nya"masaya kong saad
"Ano ba Ryan!! Hindi totoo yang mga pinagsasabi mo! Wala kang girlfriend okay!? Lahat ng yan ay mahinasyon mo lang!"tugon naman nito sa'kin habang umiiyak
"Ano bang sinasabi mo ate, bat ba hindi ka naniniwala?"patanong kong saad na unti-unti na ring bumabagsak ang mga luha ko
"Dahil nababaliw kana!! At wala karing cellphone! Isa lang yang laruan! Ganyan kana ng nawala sila mama at papa, Ryan naman, tulungan mo yang sarili mo na gumaling, nahihirapan narin akonf umintindi sayo!"saad nito habang umiiyak
"Hindi totoo yan! Hindi ako nababaliw ate!"tugon ko rito
Maya-maya ay may kumatok sa may pintuan kaya agad ko naman itong binuksan.
"Liza"saad ko kaya agad ko itong niyakap ng mahigpit ngunit nagpupumiglas ito
"Ano ka ba Ryan! Hindi sya si Liza sya si doctora"saad nito
Matapos nilang magusap na sinabing doctor ni ate ay ipinakuha na ako nito sa mga alalay nya kaya agad akong magpumiglas ngunit wala akong magawa, umiyak na lamang ako atsaka ako kinausap ni ate.
"Ryan, kailangan mong gumaling kaya ipapaubaya muna kita kay doctora ha? Magpakabaiit ka don, wag kang magalala dadalawin ka ni ate ha? Mahal na mahal kita"pagpapaalam sa'kin ni ate kaya umiyak na lamang ako hanggang makaalis na kami sa bahay.
Tatlong taon narin ako dito sa ospital ngunit hindi ko parin maintindihan ang nangyayari sa buhay ko, ngunit ang alam ko ay nagmahal ako ng isang babae na nagngangalang Liza na ngayon ay nasa puso ko parin, na sinasabi nila na lahat ng yon ay puro imahinasyon ko lamang.
-THE END