"Mahal mo pa ba ako?"malumanay kong tanong sa boyfriend ko habang nakatingin sa kanya
"Ano bang klaseng tanong yan!!"pasigaw nitong saad
"Bat di mo'ko sagutin Lucas!"saad kong muli habang unting unti ng pumapatak ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan
"Tumahimik ka nga!"
"Bat ba ayaw mong sagutin ang tanong ko! mahal mo pa ba ako o hindi?!"pagulet kong tanong sa kanya
Alam kong hindi na ako mahal ng boyfriend ko,pero mas ginusto kong malaman ang totoo na galing mismo sa kanya kahit alam ko na ikadudurog ng puso ko,ganon talaga pag mahal mo ang isang tao magpapakatanga ka para di ka iwan at hindi ko rin kayang makitang may kasama syang iba.
"Sumagot ka Lucas!""Oo hindi na kita mahal! sawang-sawa na ako sayo dyan sa paguugali mo nakakasal kana alam mo ba un!??Ha??kaya ang mas mabuti pa magbreak nalang tayo!"
"Ma-mag bre-break??"utal kong saad habang umiiyak
"Oo Mia magbreak na tayo hindi kona kaya,ito na ang huli nating pagkikita at hindi na kita mahal!"
"Pero Lucas wag naman tayong umabot sa ganito plssss wag mo'kong iwan mahal na mahal kita hindi ko kayang mawala ka ikaw lang ang nakakaintindi sakin kaya wag mo'kong iwan plsss"
"Hindi!! sa ayaw at sa gusto mo maghihiwalay na tayo"
"Lucas pls wag mo'kong iwan,gagawin ko lahat lahat pls"
"Ano ba!!sabing wala na,wala ng pagasa sating dalawa kaya maghanap ka nalang ng iba Mia"
Ganon nalang ba yun kadali para sa kanya na limutin ako at iwan ako na para bang walang nangyareng masaya.Habang naguusap kami ay nararamdaman ko na ang paninikip ng aking dibdib at unti-unti ng bumabagal ang aking paghinga at hindi ko parin magawang tumigil sa kaiiyak,siguro dahil sa sakitna aking nararamdaman.
"Mia kalimutan mo na ako pls wag mo na akong guluhin!"tugon ni lukas habang nakayuko
"Lu-lucas p-pls wa-wag mo-kong iwan"pagmamakaawa ko sa kanya,ngunit tinignan nya lamang ako atsaka lumakad palayo ng hindi man lang ako lingunin at eto ako pinapanood syang lumakad palayo habang humahagulgul sa pagiyak
Ang sakit sobrang sakit dahil ang kaisa-isa kong mahal ay iniwan ako hindi ko man lang nasabi na mahal na mahal ko sya kahit sa aking huling araw na nabubuhay ako dito sa mundong ito.Maya-maya ay bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan at hindi parin ako umaalis sa kinatatayuan ko at unti-unti na ring bumabagal ang pagpintig ng puso ko kaya nahihirapan na akong huminga at don na din ako nawalan ng malay,nawalan ako ng malay ng walang masayang nangyare sa huli kong araw ,siguro nga hindi kami para sa isa't isa ni Lucas,pero kahit anong mangyare sya lang ang mahal ko kahit sa kabilang buhay.
--------------
LUCAS POVPagkagising ko ay nakatanggap ako ng tawag sa mommy ni Mia kaya agad ko itong tinawagan para alamin kung bakit ito tumawag?.
"Hello tita?"pagbungad ko kay tita na mommy ni Mia
"He-hello i-iho"utal na saad ni tita na halatang umiiyak
"Tita umiiyak puba kayo??Ano po bang nangyare??"tanong ko sakanya at kahit ako ay kinakabahan ng hindi ko nalalaman ang dahilan kung bakit"Iho si Mi-mia pa-patay na sya"
Nang marinig ko ang salitang patay na si Mia ay agad na ng hina ang mga tuhod ko at unting-unti na akong napaluhod sa sahig at nagumpisa ng umiyak hindi ko alam kung anong dahilan ng pagkamatay nya o baka nagsisinungaling ang mama nya,pero bakit naman nila gagawin yun?? kaya kinausap kong muli si Tita Maylyn.
"Ahh tita totoo pu ba yang sinasabi nyo??"tanong ko sa kanya
"Oo patay na si Mia iho may sakit sya stage 4 na at huling araw na nya kahapon ayaw nyang ipasabi sayo kasi baka daw magalala ka"paliwanag ni Tita sakin habang umiiyakNang sabihin ni tita na may sakit ai Mia ay nagsisi ako,siguro kung hindi ako na kipaghiwalay sa kanya buhay pa dapat sya hanggang nayon,ng dahil sakin namatay ang girlfriend ko napakawalang kwenta kong tao dapat ako nalang ang nawala,kung alam ko lang na may sakit si Mia diko na dapat sya hiniwalayan.
Habang nasa biyahe na ako ay hindi ako mapakale hindi ko alam kung bakit??Pero gusto ko syang makita,gusto kong makita sya kahit sa ilang sandali,gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko sya na hindi ko na sabi sa kanya ng nabubuhay pa sya.Nang makarating na ako sa bahay nila tita Maylyn ay bumungad sakin ang isang puting kabaong na may bulaklak sa mga gilid nito,kaya agad akong pumasok at bigla na lamang bumuhos ang aking mga luha.
"iho"pagtawag sakin ng mama ni Mia
"Ti-tita so-sorry po,pa-pata-warin nyo p-po ako"utal kong saad
"Wag mong sabihin yan iho alam ko naman na mahal mo parin ang anak ko pero ngayong wala na sya"-tita
Pagkatapos naming magusap ni tita ay pinuntahan ko agad ang kabaong ni Mia at doon ko ibinuhos ang mga luha ko,hindi ko kayang makita syang nakahiga dito.
"Mia sorry,sorry dahil hinayaan lang kita,sorry kung iniwan kita,sorry kung hindi kita pinakinggan.Mahal na mahal kita Mia hindi ko kayang mawala ka,hindi ko kayang nakahiga ka dyan.........Miaaaaaaaaa plsssss
gumising ka dyannnn pls""Sana kung saan ka man ngayon ay wag mokong pabayaan gabayan mo'ko palagi.Mia mahal na mahal na mahal kita kahit HULI NA ang lahat huling huli na dahil wala kana eto lang ang gusto kong sabihin sayo mahal ko.I LOVE YOU kahit sa huling sandali ng ating pagkikita"
Yan na lamang ang nasabi ko sa kanya habang humahagulgul ako sa aking pagiyak hindi ko man lang sya napasaya sa huling sandali na nandito pa sya sa mundong ito,kaya pinagsisihan ko lahat ng iyon.
MAKALIPAS ANG SAMPUNG TAON................
LUCAS POV
Makalipas ang sampung taon ay hindi na ako naghanap ng iba dahil si Mia parin ang laman ng puso ko kahit na dahil sakin ay nawala sya.Kaya eto ako ngayon nagiisa sa buhay at hinihintay ang kamatayan upang makapiling ang aking pinakamamahal na si Mia hanggang sa huling sandali.
-THE END