"Ikaw ang tangi kong iniibig, ikaw ang aking mahal magpakailanman~"nahinto ako sa pagkanta ng may lalaking tumabi sa'kin
"Ang ganda ng boses mo, ituloy mo lang makikinig ako"saad ng lalaki na ngayon ay nakatingin sa langit
"Salamat"
"Bakit hindi mo ituloy ang pagkanta mo? Nahihiya kaba sa'kin?"
"A-ah o-oo"nahihiyang sagot ko
"Alam mo? May kasintahan din ako noon at lagi nya akong kinakantahan, pero nung nangyare ang aksidenteng 'yon ay hindi nya na ako maalala pa"halata sa tono ng pananalita nya ang lungkot na nararamdaman nya.
"Ang lungkot naman nyan"
"Pero ngayon masaya na ako, alam mo kung bakit?"pagtanong nito sa'kin
"B-bakit?"tanong ko naman
"Kasi nandito na s'ya at nakakausap kona sya, pero di na nya ako kilala"nang sabihin nya ang linyang iyon ay agad s'yang tumingin sa'kin
"Nasaan naman ang tinutukoy mo? Tayong dalawa lang naman ang nandidito"
"Mahal kita Cazrina kahit na hindi mo'ko maalala"sabi nito at saka tumulo ang mga luha nya sa kanyang magagandang mata
At ngayon ko lang napagtanto na ako pala ang babaeng tinutukoy nya. Ang babaeng minahal nya at nakalimot sa kanya.
