HE LIED

13 9 0
                                    

"Babe?"pagtawag ko sa boyfriend ko habang abala sya sa pagtetext, ewan ko kung sino ung kausap nya dahil ngiting-ngiti sya rito

"Bakit babe?."pagtanong nito

"Sino yang kausap mo at ngiting-ngiti ka?."pagtanong ko naman rito, ngunit hindi parin nya naaalis ang paningin sa cellphone nya

"Ah kaibigan ko lang babe, nagkukwento kasi ng mga kalokohan nya kaya natatawa ako."pagpapaliwang naman nito sa'kin

"Ah, are you sure?."pagsisigurado ko na tanong

"Oo naman babe, bakit nagseselos ka na naman ba?."pagtatanong nito

"Hmmmm.... hindi naman, bat naman ako magseselos eh sabi mo nga kaibigan mo lang."mariin kong saad sa huling salita

"Okay, ay babe may lakad nga pala kami ng mga tropa ko, nagkayayaan kasi eh."pagpapaalam nito sa'kin kaya agad naman akong pumayag

Mga bandang alas dos ng hapon ay umalis na ang boyfriend ko kaya nagayos na ako ng apartment ko para mamayang paguwi nya ay maayos na at sinabi nya rin naman na madali lang sila, alam nya naman ang ugali ko, napakaselosa kong tao kahit ate nya pinagseselosan ko kaya minsan nagaaway kami.

Matagal narin kaming nagsasama, one time pa nga ay nambabae sya at dahil sa galit ko muntikan ko ng mapatay ang kabet nya dahil nandilim na ang paningin ko, grabe ako magalit at grabe din ako gumanti.

Lagi naming pinagaawayan ang pambabae nya pero nagkakaayos din naman kaming dalawa, hindi ko sya matiis dahil mahal ko sya at lahat gagawin ko para lang sa kanya.

"Alas onse na ng gabi wala parin sya."saad ko sa aking sarili, kaya tinawagan ko na ang kaibigan nyang si Mike.

"Hello Bea."pangbungad naman nito sa'kin

"Ah, hello Mike nandyan ba si Josh, kasi hindi pa sya umuuwi dito anong oras na eh."saad ko naman rito

"Ha? Wala si Josh dito atsaka hindi pa nga kami naguusap non ngayon ehh."pagpapaliwanag naman nito, kaya nagtaka ako kung nasan na sya

"Ah ganon ba, baka alam mo kung saan sya ngayon pwede mo bang sabihin sa'kin."-ako

"Ah Bea, matagal kona tong gustong sabihin sayo kasi, ano, ahm, kasi si Josh may ibang babae na naman, pinagsasabihan ko sya pero ayaw nyang makinig sa'kin baka nandon sya ngayon sa babae nya."pagpapaliwanag naman ni Mike sa'kin na halatang kinakabahan.

"Ano! Totoo ba yang sinasabi mo?."pasigaw kong saad

"Ahm oo Bea totoo lahat ng sinabi ko kaya sana wag mong sasabihin sa kanya na ako ang nagsabi sayo."pagapaalala nito sa'kin, kaya agad ko namang pinatay ang telepono

Dahil sa mga nalaman ko ay nandilim ang paningin ko sa sobrang galit ko ay parang nawawalan na ako sa sarili ko, pumunta ako sa kusina para kunin ang isang malaking kutsilyo ewan ko kung anong gagawin ko parang hindi ko makontrol ang sarili ko.

Maya-maya ay umalis na ako sa bahay para hanapin si Josh na kasama ang malanding babaeng kaagaw ko sa kanya.

Makalipas ang ilang oras natagpuan kona sila, kitang-kita ng dalawa kong mata kung pano sila magharutan, ng dahil sa galit ko sinugod ko ang babaeng yon atsaka ito sinabunutan, inaawat na ako ni Josh pero tinulak ko lang sya gusto ko syang saktan dahil sa ginawa nya pero mas gusto kong saktan ang malanding babaeng to.

Nang lalong mandilim ang paningin ko ay kinuha ko ang kutsilyong dala-dala ko na nakalagay sa bulsa ng pantalon ko at agad ko naman itong isinaksak sa kanya wala akong paki alam sa mga taong nakakakita kung pano ko patayin ang babaeng ito dahil sa sobrang galit ko ay nawawala na ako sa sarili ko at pinagsasaksak ko ito sa dibdib hanggang malagutan sya ng hininga.

Habang pinupunasan ko ang mga dugo na tumalsik sa aking mukha ay nakikita kong takot na takot si Josh sa'kin kaya agad ko itong nilapitan.

"Hi babe."pagbati ko sa kanya habang papalapit ako sa kanyang kinatatayuan

"Wag kang lalapit sa'kin, pano mo nagawa yon Bea?."saad naman nito habang umiiyak

"Sabi ko naman sayo akin kalang diba!? Pero hindi mo'ko pinakinggan naghanap ka ng iba! Kaya ayon pinatay ko nalang sya."saad ko rito at bahagyang tumawa

"Hindi na ikaw ang Bea na kilala ko."-Josh

"Ako parin to babe, sabi ko naman kasi sayo wag kang magloloko ayan tuloy, alam mo naman ang ugali ko at lahat gagawin ko para lang sayo."-Ako

"Maghiwalay na tayo! Kailangan ka ng makulong Bea mali yang ginawa mo!."pagbabanta nito sa'kin

"Mali? Pinaglaban ko lang ang dapat na para sa'kin! Kaya ko ginawa yon! Pero kung hindi ka lang naman talaga mapapasakin dapat isunod narin kita."saad ko atsaka tumawa ng nakakaloko

Kaya agad ko syang sinaksak kahit mahal ko sya ay nagawa ko parin yon, nawala na ako sa sariling katinuan.

Makalipas ang ilang buwan ay pinaghahanap na ako ng mga pulis, kaya ako na mismo ang sumuko, wala narin naman si Josh alan kong mali ang ginawa ko pero hindi ko nakontrol ang sarili ko kaya ngayon ay nakakulong na ako dahil dapat kong pagbayaran ang ginawa kong pagkakamali.

-THE END

Random StorieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon