"I will always love you ate"nanghihinang sabi koNandito kami sa ospital dahil ilang saglit na lamang ay pwede na syang bawian ng buhay.
"Mahal na mahal ka ni ate, aalagaan mo ang sarili mo ha? Sayang dahil hindi kona maabutan na ikakasal at magkaroon ng pamangkin sayo"nakangiti nitong sabi habang lumuluha
"Mamimiss ko yung mga araw na namamasyal tayo bunso, ikaw yung laging nandyan nung lugmok ako, ikaw ang tanging nagpapalakas sa---"hindi nya na natapos ang sasabihin nya ng bigla na itong bawian ng buhay.
Biglang dumating ang mga doctor uoang asikasuhin sya at baka maisurvive pa nila ito ngunit wala ng pag-asa. Wala na akong magawa kundi ang umiyak.
----------
"Ate may asawa at anak na ako. Alam mo bang kamukha mo ang anak ko? Ang saya saya ko nung araw na inilabas ko sya mula sa sinapupunan ko, eto na yung pangrap mo ate. Mahal na mahal kita. Kung nasaan ka man ngayon sana masaya ka. Kahit kailan ay hindi kita kalilimutan. Pangako."
Ang sakit sa pakiramdam ng mawalan ka ng mahal sa buhay lalo na kapag kasama mo sa lahat ng bagay. Iyong mga bagay na hindi na pwedeng mangyare dahil wala na sya kaya kailangang tanggapin mo nalang iyon.
Masaya na ako ngayon dahil natupad ko ang pangarap nyang maging tita at magkaroon ng isang magandang pamilya.