KANTANG AKING SINULAT

1 4 0
                                    

"Binibini, naririto ako umiibig sa iyo~"napahinto ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwal nito ang kapatid ko.

"Kuya, bakit lagi na lang iyang kantang yan ang naririnig ko? Hindi kaba nagsasawa dyan?"tanong nito sakin

"Eto yung ginawa kong kanta"

"Tapos?"

"At eto rin yung kanta na dapat ikakanta ko sa Anniversary namin"

"Nino kuya?"

"Ang girlfriend"

"Eh nasan ang girlfriend mo kuya? Bakit hindi sya pumupunta dito?"

"Nasa langit na sya"

"Anong nangyare?"

"Nung araw na magkikita kami ay ang araw na bundol sya ng sasakyan, akala ko magigising pa sya pero nagkamali ako. Ang kantang ito ang unang kantang ginawa ko para sa taong mahal ko na ngayon ay iniwan na ako"

Agarang tumulo ang mga luha sa aking mata at agad ko naman itong pinunasan.

"Alam mo kuya? Masaya sya para sayo, kahit na wala na sya pero lagi ka nyang binabantayan. Alam kong mahal mo sya kuya pero kailangan mo na sigurong maging masaya at ibangon ng sarili mo para sa kanya"

Ang kantang aking sinulat ay ang kinanta ko noong sya'y nilibing na. Na kahit huling sandali ay marinig nya sa pamamagitan ng kanyang kaluluwa.

Random StorieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon