"Masisisi mo ba kung ayaw na talaga?
Kung ang pag-ibig mo, tuluyang maglaho
Oh, ba't nagbago bigla? Mga titig ay nag-iba
Ika'y lumalayo, tadhana ba ito?" bakas sa pagkanta n'ya ang lungkot habang nakatingin ito sa 'kin."
Mukhang hindi na n'ya akong kayang mahalin pa, dapat hindi ko sinayang yung panahon na mahal na mahal n'ya pa ako.
Napakag*g* para sayangin ang nag-iisang babaeng totoong nagmamahal sakin. Narealize ko na lahat ng pagkakamali ko sa buong buhay ko, asawa ko lang sya sa papel pero para sa mata ng Diyos ay mag-asawa kaming dalawa.
"Pwede pa ba?" mahinang sambit ko, habang unti-unti nang tumutulo ang luha ko."
Bumaba s'ya ng stage atsaka lumapit sa 'kin.
"Malaya kana, hindi mo na kailangang ipagtabuyan ako sa maraming tao." mahinhin na sabi nito atsaka s'ya ngumiti, at agaran ring umalis sa harap ko."
Hindi nga kami para sa isa't isa, masyadong mapaglaro ang tadhana para sa 'ming dalawa.
