Sais: Wakas ng Pagsubok

713 38 15
                                    

Hiya guys! Hope you will like this chapter! I am giving this out to @Le_Trace! Enjoy guys!

-Kuya Lawrence =)

---

                “Haliya, makinig kang mabuti sa akin. Kanina ka pa nililinlang ng Sultana.” umpisa ng tinig na madalang marinig ni Haliya, ang boses ng lakambini ng apoy, si Lalahon.

                “Anong ibig mong sabihin, Lalahon?” nagtatakang tanong ni Haliya.

                “Wala na akong panahong upang magpaliwanag sa iyo. Kakaiba ang sultana, dayanghirang. Taglay niya ang dunong ng nagdaang panahon. Isang praktikal na paggamit ng mga kapangyarihan ng mga babaylan. Mag-halmista ka sa akin. Si Galura, Ihanda mo siya at gagamitin mo din ang kakayahan niya.” utos ni Lalahon kay Haliya.

                Tumango ang dalaga bilang pagsang-ayon sa plano ni Lalahon. Mula sa loob ng kristal na kabibe ni Sirinan ay sinambit ni Haliya ang, “Manahan sa aking katawan; gagamitin ka panandalian, Lalahon!

                Pumutok ang kabibe ni SIrinan at bumuhos ang dagat-dagatang apoy mula sa loob nito. Mabilis namang kinumpas ni Bu’an ang kanyang setre upang bumuo ng lupang kalasag na magtatanggol sa kanya mula sa nagbabagang apoy.

Mabilis na nanuot sa buong katawan ni Haliya ang apoy; lumabas siya na naka-halmista kay Lalahon. Naging apoy ang buhok ni Haliya at nagkulay kahel ang kanan niyang mata. Lila at pula ang kanyang pantaas at hindi pantay ang mga manggas nito; hanggang sa braso niya ang kaliwang manggas samantalang hanggang sa kanyang pulso naman ang kanan. Abaka na mga lubid ang nagsilbing pulseras ni Iya na nakadugtong sa isang malaking bola na bakal na kanyang tinutungtungan habang lumulutang sa lupa. Nasusunog na pula at dilaw din ang kanyang palda na hanggang sa kalahati ng kanyang binti. Marahang nilahad ni Haliya ang kanyang mga kamay paturo kay Bu’an at sumirit mula sa kanyang daliri ang mala-dragong anyo ng nagpupuyos na apoy.

“Ngayon na!” mabilis na pahayag ni Lalahon na siyang nagpahiwatig kay Haliya na tawagin ang isa pa niyang ka-kasunduan, si Galura.

“Galura!” samo ni Haliya na siyang nagpakatawang-tao sa batang lakan. Bumuga ng nagwawalang bugso ng hangin mula sa kanyang bibig si Galura papunta sa dragong-apoy ni Lalahon. Pinasidhi ng hangin ni Galura ang nagbabagang apoy ni Lalahon, lubhang lumaki at lumakas ito.

Binato ni Bu’an ang kanyang setre sa hangin. Dahan-dahang umikot pataas ang gintong tungkod habang nakaharang sa harapan ng sultana ang kanyang mga kamay. Bahagyang nasunog ang kaliwang kamay at palda ni Bu’an, ngunit nakakapagtakang napabagal niya ang atake nina Lalahon at Galura! Isa na naman ba itong panibong kapangyarihan? Apat na ang kakayahang pinamalas ng sultana; lupa, apoy, liwanag at ngayon naman ay ang kapangyarihan sa oras!

“Tama ang aking hinala. Isa siyang babaylan na may dunong sa primera mahika. Haliya. Ngayon din, maghalmista ka muli kay Sirinan! Huwag mong paalisin ang katawang-tao ni Galura! Kidu, Ikaw ang susunod na lalabas!” sigaw ni Lalahon sa isip ni Haliya habang nagbibigay siya ng utos sa dalaga.

“Nakakapika ka mag-utos, Lalahon. Tapusin na natin ito upang hindi ko na madinig pa ang nagkakainis mong tinig.” galit namang tugon ni Kidu kay Galura.

“Nakakatuwa namang malaman na nagtutulungan tayong lahat para sa dayanghirang.” gatong naman ni Dian Masalanta sa pag-uusap nina Lalahon at Kidu.

“Nakahanda na ako, Lalahon. Haliya, halina.” dagdag naman ni Sirinan.

Napangiti si Haliya habang nakikinig siya sa kanyang mga lakan at lakambini. Marahil ito ang upang pagkakataon na napakinggan niya ang mga ito na natutulungan. “Salamat sa suporta ninyong lahat!” sambit ng dalaga sa kanyang sarili sabaysigaw ng, “Manahan sa aking katawan; gagamitin ka panandalian, Sirinan!

ATAS: Ang Misyon ng DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon