Uno: Ang Sultana ng Pinagbuklod na Kapuluan

1K 49 16
                                    

Sa wakas! Nailagay ko din ang ikalawang yugto ng Dayanghirang. Salamat sa paghintay ninyong lahat para sa aking pagbabalik. =) It has been quite a while kaya sana sa paunang pasabog ng aking update ay mapawi ko ang matagal ninyong paghintay sa Dayanghirang. Sana huwag kayong magsawa sa pagsuporta sa akin. Marahil every 3-5 days ang dalas ng aking paglagay ng update. Sana lang makisama ang trabaho ko. :) Aabangan ko ang mga komento ninyong lahat. :) BTW, okay lang ba ang font na gamit ko o ibalik ko siya sa dati? 

Muli, salamat sa inyong lahat, hindi ko na kayo masyadong patatagalin pa! Enjoy guys!

-Kuya Lawrence

---

     Nagwakas na ang magarbong pagdiriwang sa Minolo. Nanumbalik na muli ang mga dating suliranin na kailangang harapin nina Haliya na bahagya niyang nilimot noong pista ng Namwaran. Hinahanda na ang lahat para sa pagpunta ng dayanghirang kasama sina Rosendo, Venus, at Rani Lilagretha sa kapuluan ng Namayan.

     “Iniiwan ko sa inyong dalawa ang Minolo sa aking paglisan.” paalam ni Lilagretha habang marahan niyang niyayapos ang pisngi nina Sarry at Jamil. Nasa isang kubling tore ang rani kaya’t hinayaan niyang manatili sa lalaking anyo ang lalaking Indrapura.

     “Kami na po ang bahala habang wala kayo sa Minolo, ina kong rani.” tugon naman ni Jamil sa habilin ng kanyang ina.

     “Sana makabalik po kayo agad.” sagot naman ni Sarry sa rani.

     “Bakit Sarry, nais mo bang umalis muli ng Minolo?” tahasang tanong ni Saavedra na nasa hindi kalayuan.

     Hindi nakasagot ang prinsesang Indrapura. Bago pa man niya nagawang magbulalas ng magandang dahilan ay inunahan na siya ng kanyang ina na siyang sumagot sa katanungan ng kalihim.

     “Hindi kayo iiwanan ni Bidasari, Saavedra. Alam ko at umaasa ako na batid niya ang tindi ng pangangailangan ng ating bansa para sa presensya nilang dalawa sa Minolo upang mapanatili ang kurtinang kidlat habang ako ay wala.” tugon ni Lilagretha sa mapan-usig na katanungan ni Saavedra. Naramdaman ng kalihim ang mabigat na hangin na bumalot sa kanilang paligid mula noong siya ay nagtanong kaya’t minarapat na lamang niyang manahimik upang matigil na ang gulo.

     Nakaramdam ng isang banayad na pagtapik sa kanyang kaliwang braso si Haliya. Nanggaling ito sa kanyang lolo, si Anastacio. “Wala ka na bang nalimutan, Iya?”

     Isang mabilis na pag-iling ang sinagot ng dalaga sa kanyang lolo. Masaya siya sapagkat sasama sa kanya ang kanyang lolo. Katabi ni Anastacio si Zenaida, na sasama din sa pagtungo ng dayanghirang sa Maniolas.

     “Lolo T ah, baka sumpungin ka ng rayuma mo sa Namayan ah!” patudyo namang asar ni Venus sa matanda habang sumisiksik siya sa pagitan nina Anastacio at Haliya. “Pasali nga sa group hug na ‘to. ‘Lo, alalahanin mo ah, kapag nirayuma ka, si Rosy ang bahala sa ‘yo. Siya ang kakarga sa iyo kung sakaling—”

     “Manahimik ka na nga, Vivi.” naiirita namang pahayag ni Rosendo. May nais pa sana siyang sabihin ngunit biglang nagsalita si Zenaida kaya’t hindi na niya nagawang sabihin pa ang mga bagay sa kanyang isipan.

     “Rani, salamat at nauunawaan mo ang aming dahilan kung bakit nais naming sumama ni Anastacio sa Namayan. Maiiwan ang mga heneral ng Kayumanggi sa Minolo kagaya ng ating napagkasunduan upang magtanggol sa iyong bansa kung sakaling may mangyaring kakaiba at bumigay ang kurtinang kidlat.” umpisang pahayag ni Zenaida sa rani.

     “Salamat sa tulong na inyong ibinigay sa Minolo, Tandang Naida. Alam kong batid mo din na kung mayroong sasalakayin ang Konseho sa oras na gumalaw si Banwa ay uunahin niyang lusubin ang aking bansa.” sagot naman ni Lilagretha sa pahayag ni Zenaida. Biglang nagbago ang timbre ng kanyang boses at nagsambit siya ng isang katanungan. “Hindi ko na ba mababago pa ang isip ninyong dalawa ni Anastacio?”

ATAS: Ang Misyon ng DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon