*I am offering this update to one of my idols, @AnakDalita. Grabe, hindi ninyo alam kung gaano ako kasaya noong nadatnan ko yung name ninyo kanina sa comment box. Gusto ko nang umuwi from work para mag-update :D
Hiya guys! Natapos din ang 2-month hiatus ko. :-) I am sorry kung medyo matagal bago nasundan muli ang aking update. I still and will be finishing this story. Para sa aking sarili, sa aking mga masugid na mga readers, supporters, voters at silent readers alike :-)
Sa dami ng nagbago muntik na akong kainin ng bagong paraan ng pag-post ng update. Haha :D
Nga pala, mayroon na akong Official FB Page. Yay! Sa wakas nagawa ko din :) The link is below:
https://www.
.com/lawrence087770
I hope and pray na sana hindi pa din kayo magsasawang sumuporta sa akin. Let's get along and talk thru my FB page. Sana maintindihan ninyo na I am separating my WP self (the author) and my offline self (the entity). Still, I will be actively managing it kaya you can hear and see from me more often. :)
Oh siya, tama na satsat, ito na ang update!
-Kuya Lawrence :-)
——
Nakadama ng mabigat at maitim na presensya si Saturnina sa paligid. Nabatid niya na may paparating na panganib sa Calamian. Mabilis siyang nagtungo sa palasyo kung saan naroroon ang kanyang mga kapatid, sina Guadalupe at Laguna.
"Laguna, Lupe!" pasigaw na umpisa ni Saturnina sa kanyang mga kapatid.
"Nabatid ko ang naramdaman mo, Nina." wika ni Lupe na tila naunawaan na ang nais sabihin ng nakakatanda niyang kapatid.
"Buong buhay ko, ngayon ko lamang naramdaman ang ganito kalupit na espiritwal na lakas. Masyadong masakit sa aking dibdib ang ganito kabigat na presensya." dagdag naman ni Laguna. "Nakahanda na ang mga mangkukulam, mambabarang at mga mananambal, Ate Nina." pagtatapos niya habang malalim ang kanyang titig sa kalangitang dahan-dahang binalot ng maitim na kaulapan.
"Ito ang kapangyarihan ng Dakilang Kasamaan. Nawa'y maging sapat ang ating lakas upang pigilan siya sa kanyang masamang balak sa Calamian." pahayag ni Lupe na palabas na ng silid. "Ipagtatanggol ko ang Calamian mula sa mga nilalang na may masamang intensyon dito, kahit siya pa ang tinaguriang 'Dakilang Kasamaan.' Ipapahiya ko ang namayapa kong Inang Reyna kapag nabigo ako sa aking tungkulin bilang isang Tresmaria."
"Kung tayo ay magagapi at mamamatay, mabuti pa't lumaban tayo ng buong lakas at buhay. Wala akong mukhang ihaharap kay Ara kung hindi ko ibubuwis ang lahat para sa Calamian." determinadong sambit ni Saturnina sa lahat ng naroroon sa silid kung saan sila nagpupulong.
"Ipapaubaya ko ang labanan sa inyong dalawa, mga kapatid ko. Ako ang mangunguna sa paglalapat ng lunas sa kahit sinong masasaktan. Ako na ang bahala sa paglikas ng mga mortal; ituon ninyo ang inyong pansin sa Dakilang Kasamaan." pahayag ni Laguna sa kanyang mga kapatid.
Pinuno ng tatlong Tresmaria ng damdaming ipagtanggol ang Calamian ang palasyo, na siya namang kumalat at humawa sa moral at determinasyon ng lahat ng mga babaylan,
Tanaw mula sa langit ang isang babaeng lumilipad sa alapaap, si Urduja, tangan-tangan ang kaluluwa ng Dakilang Kasamaan. Tila naaaliw ang babaylan sa mga eksenang nagaganap sa bansa ng Calamian. "Mga hangal... Patutunayan ko sa inyo na sinasayang lamang ninyo ang inyong buhay at lakas upang sumuway sa kapangyarihan ko. "
BINABASA MO ANG
ATAS: Ang Misyon ng Dayanghirang
FantasiTunghayan muli ang ang kuwento nina Haliya, Sidapa, Venus at Rosendo! Maghanda na sa digmaang magpapasya ng kapalaran ng sanlibutan! Mabibigyan na ng katuparan ang napagkasunduan ng mga dakilang Lakan at Lakambini ng Mutya ng Liwanag at Dilim!