Singko: Setre

561 29 18
                                    

Hiya guys! Ito na po muli ang update ng Dayanghirang. Sana magustuhan ninyo ito. Inaalay ko ang aking update kay @Ako_Si_Edgie, salamat sa pag-welcome ninyong lahat muli sa akin! Sana magustuhan ninyo ang update :-)

-Kuya Lawrence :-)

---

Singko: Setre

     “Haliya! Tawagin mo ako!”

     “Galura!” samo ni Haliya na siyang naging daan upang magkatawang tao ang batang lakan ng hangin.

     Bumulusok ang malakas na hambalos ng hangin sa harapan ni Haliya at biglang nagkatawang-tao si Galura. Gumawa ng malalaking tore ng buhawi ang batang lakan upang mahadlangan ang atake ni Bu’an.

     Humawi ng itim na bola ng enerhiya si Sultana Bu’an upang mahinto ang atake ni Galura. Ang malakas na pagsabog na ginawa ng atake ng sultana ay naging sapat upang sirain ang harang na ginawa ng batang lakan. Dahil sa matingkad na liwanag na bumalot sa buong paligid ay natawan ng lakan ang hitsura ng maalamat na sultana. Maputi ang kutis ni Bu’an at hanggang bewang ang maitim at maalon niyang buhok. Matalas ang bilugan niyang mga mata at matangos ang kanyang ilong na siyang sinabitan ng isang gintong tela na nakaipit hanggang sa kanyang tenga kaya’t natakpan ang kalahati ng kanyang mukha. Marangya ngunit kapos sa tela ang kasuotan ng sultana. Tanging ang kanyang dibdib lamang ang natakpan kanyang gintong damit na puspos ng mga diyamante at nakasuot siya ng mahaba at maputing palda na nahati sa tatlong biyak. Perpekto at kahalina-halina ang pagkakahulma sa katawan ng sultana. Balingkinitan ang mga braso at binti ng sultana na nakasuot ng mga makakapal na mga pulseras na ginto. May hawak na mahabang setro si Bu’an na yari sa purong ginto at nagtataglay ang mga ito ng mga mamahaling bato sa puluhan nito.

     “Ikinalulungkot ko ngunit hindi sapat ang kapangyarihan mo upang pigilan ako, dayanghirang!” sigaw ni Bu’an na mahusay na winasiwas sa hangin ang kanyang setro na madaling nakagawa ng madaming birada ng itim na bola ng enerhiya; ito ay isang damukal na ulan ng pinikpikan.

     “Hindi ko na matiis na walang kang magawa sa laban na ito…”

Bumagsak ang mga naglalangitngit na tore ng kidlat sa paligid ng silid ni Sultana Bu’an. Mula sa mga atake na ito ay natukoy ni Haliya na si Kidu ang umaatake. Gamit ang hikaw na bertud mula sa lakan, ang Inaiyau, may kakayahang pag-inamin ang pandinig ng dalaga, nabatid niya na tila may papalalapit na atake mula sa kanyang likuran. Huli na ang lahat, hindi ito mapipigilan ni Galura at Kidu!

“Haliya! Ang halmista!” utos ni Dian Masalanta sa dayanghirang na siya namang sinunod ng dalaga.

“Manahan sa aking katawan; gagamitin ka panandalian, Dian Masalanta! salmo ni Haliya na biglang nagpalit ng anyo sa wangis ng lakambini ng pag-ibig. Naglaho si Galura upang matugunan ng maayos ang paghalmista ni Haliya. Nagtaglay ng pulang bestida ang kaliwang kalahating katawan ng dalaga samantalang isang manipis na hibla lamang ng laso ang tumakip sa lumusog niyang dibdib. Naging pula ang kanyang kaliwang mata at ang kanang bahagi ng kanyang katawan ay natakpan ng kanyang humabang buhok na nag-aaway sa kulay ng pula at puti. Nakalipad si Haliya upang maiwasan ang atake ni Bu’an lulan ng dalawang lasong pula na wangis ahas.

Nagulat at namangha si Bu’an sa mabilis at epektibong pag-iwas ni Haliya sa kanyang atake. Nabuhay ang dugo ng sultana; matagal na panahon na ang lumipas mula noong nakatagpo siya ng mahusay na katunggali sa pakikipaglaban. “Tignan natin kung maiiwasan mo ito!” sigaw ni Bu’an na hinampas sa sahig ang kanyang setre na biglang nagsabog ng maliliit at madaming piraso ng mga bato. Pinalipad niya ang mga ito ng mabilis patungo kay Haliya.

ATAS: Ang Misyon ng DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon