Hiya guys! Sorry for the long wait ah. I had a long on my mind these past weeks. Finally I am back on track. Late ko na nailagay 'yong update na dapat kahapon ko pa pinost, maaga kasi akong nakatulog kagabi. Hehe. Hope you'll forgive me if I post it today. :-)
Salamat po palagi sa walang sawa ninyong pagsuporta at pag-unawa sa akin, lalo na sa mga panahong matagal akong mag-update. Kuya Author assures you that he will finish this story. Slowly, but definitely surely. :-)
I give out this update to ammejer, salamat for the numerous votes! Grabe from Book 1 all the way to Book 2! Thanks for your vote. ;-) For everyone, thank you for everything :-)
Mag-plug lang ako sandali. May 25 likers na pala ang FB page ko. Hehe. Hope I can talk with you there as well. The link is:
https://www.facebook.com/lawrence087770
Oh siya, tama na ang satsat. Ito na po ang much-awatied update :-)
---
Maniolas: Isang bansang kinumot sa luntiang mga halaman at naglalakihang mga puno. Linghid sa kaalaman ng mga mortal, ito ang bansang itinuturong pinagmulan ng mga pintados. Sa katunayan, pinamumunuan ang bansang ito ng rajah, si Magat Salamat, na isa ding pintados. Kamakailan lamang ay umanib sa Syaka ang Maniolas ngunit matapos mabatid ng rajah ang maitim na balak ng Banwa, nagpasya ang bansa na kumalas mula sa kanilang alyansa. Sa paglipas ng maraming panahon ay naglakbay ang mga pintados sa ibang panig ng mundo, gayon din ang mga babaylan, na piniling manahan sa lupang tinubuan ng lakambini ng masaganang ani ng katatagan, si Sfedat. Pilit mang kinukubli ng mga tauhan ng rajah ang nagbabadyang kaguluhan, hindi maitatago sa lahat ang nalalapit na kaguluhang mamamayani sa buong sanlibutan sa hindi nalalayong hinaharap.
Sa palasyo ni Rajah Magat ay nagaganap ang isang mahalagang pagpupulong, at nakasalalay dito ang magiging kinabukasan ng Maniolas.
Mula sa kabisera ng lamesa ay tanaw na tanaw at dinig na dinig ang isang matangkad, moreno, matipuno at maingay na lalaking tadtad ng gintong ornamento mula ulo hanggang paa: hikaw, kuwintas, pulseras, sinturon at singsing sa kanyang mga daliri sa kamay at paa. Matangos ang kanyang ilong at matatagpuan sa ilalim ng dalawa niyang kayumangging mga mata ang isang tattoo na nakaukit sa titik ng baybayin na nangangahulugang "pinuno." Wala itong iba kundi si Magat Salamat, Rajah ng Maniolas.
"Nagpahayag na ba ng suporta sa ating mga plano ang Namayan? Kumusta na ang kalagayan ng Tawalisi, Calamian at Minolo?" pagtatanong ni Rajah Magat na uhaw na uhaw sa mga kasagutan mula sa kanyang mga pinakawalang mga katanungan sa kanyang mga kalihim.
"Rajah, sa kasalukuyan po ay wala pang sagot na binibigay ang Namayan sa ating paanyayang magsanib ng lakas upang labanan ang Syaka. Ang Calamian at Tawalisi naman ay bumabangon pa lamang mula sa dagok na inabot nila mula sa Dakilang Kasamaan. Ang Minolo ay patuloy na lumalaban sa Banwa at sa mga ilang miyembro ng Konseho subalit hindi namin tiyak ang kanilang pagwawagi. Hindi din kami sigurado kung aabot ba sa oras ang mga puwersang maari nating papuntahin sa Minolo, Rajah Magat. Lumalala po ang sitwasyon habang tumatagal." sagot naman ng kalihim sa mga katanungan ni Magat Salamat.
Muntik na namang masira ni Magat ang kahoy na lamesang hahambalusin niya sana ng kanyang kamay, mabuti na lamang at naiusog ito ng kanyang mga kalihim bago pa man ito madampian ng kanyang kaliwang kamay. Bakas ang galit at pangamba sa mga mata ng rajah. "Nauubusan na tayo ng oras. Hindi tayo sigurado kung bigla itong magpalit ng tinatahak na landas at magtungo sa ating bansa. Dumating na ba lahat ng ating mga Hiloanon?" pahabol na tanong ni Magat sa kanyang mga kalihim, may kasamang pagtitimpi ng mabigat at malalim na buntong-hininga.
"Mahal naming rajah, sa kasalukuyan ay parating na po ang iba nating mga Hiloanon. Narito na po si—" at hindi natapos ng kalihim ang nais niyang sabihin sapagkat bigla siyang pinutol ng isang nagmamadaling kawal na mabilis na pumasok sa kanilang silid, hatid ang isang nakakagambalang balita.
BINABASA MO ANG
ATAS: Ang Misyon ng Dayanghirang
FantasyTunghayan muli ang ang kuwento nina Haliya, Sidapa, Venus at Rosendo! Maghanda na sa digmaang magpapasya ng kapalaran ng sanlibutan! Mabibigyan na ng katuparan ang napagkasunduan ng mga dakilang Lakan at Lakambini ng Mutya ng Liwanag at Dilim!