Katorse: Hinikalimtan Bulawan

930 44 35
                                    

Kumusta kayong lahat!


Sa wakas, ako ay nagbabalik. Sorry po na natagalan ang aking update. Hindi ko na nga nagawang sumagot sa mga ibang comments noong nakaraang buwan. Natambakan ang Kuya Author ninyo ng madaming obligasyon sa trabaho. Mauunawaan ko kung mababawasan ang mga mambabasa ko na nabagot maghintay sa update ko; pero lubos pa din akong nagpapasalamat sa mga walang-sawang nag-abang at umiintindi kung bakit hindi ako nakakapag-update agad. Hindi pa din nagbabago ang aking intensyon na tapusi ang ikalawang yugto ng aking nobela, magaganap ang lahat ng ito sa tamang panahon. :-)


As of this writing, 77 likes ang taglay ng FB Page ko. Yay :-) You can catch me sa:

https://www.facebook.com/lawrence087770

Salamat sa mga nag-follow sa akin. :p I give this update to Le_Trace simply because you made me smile by simply liking may FB Page update. Salamat :-)

Oh siya, tama na satsat, update na! :-)

_Kuya Lawrence


---


"Yurham amt patuham; ipasaw amt waam ha ragogosamam!" (Buksan ang lagusan; ilahad ang daan sa katotohanan!) samo ni Ba'i Arao sa kaparangan na marahang sinundan ng mabitak ng lupa sa lugar na kinatatayuan nina Haliya. Nagulat ang lahat sa mga pangyayari; nagkubli ng isang marangya at sinaunang palasyo ang kailaliman ng disyerto!

"Katulad ng inyong nakita, tinago ng kapangyarihan ni Batungbayanahin ang mausoleo nila ni Lueve." umpisa naman ni Ba'i Tala sa grupo ng dayanghirang. "Sundan ninyo ako." aanyaya ng binibini na biglang lumiwanag ang buong katawan matapos niyang maglakad sa madilim na hagdan pababa sa mausoleo nina Lueve at Batungbayanahin.

"Hindi talaga nauubos ang pagkamangha ko sa mga nasasaksihan ko sa mundo mga babaylan." Nagigilalas namang pahayag ni Venus habang sinusundan niyang bumaba sa hagdan si Ba'i Tala.

"Halika na, Haliya." habang nakalahad ang kanang kamay ni Sidapa kay Haliya na nagpapaanyaya sa dalaga na sumunod ito sa kanya.

Bago lumapit si Haliya kay Sidapa ay napukaw ni Ba'i Arao ang atensyon ng dalaga. "Paano ka po, Ba'i? Hindi ba kayo sasama sa amin sa loob ng mausoleo?" tanong niya.

"Maiiwan na ako dito sa labas. Titiyakin ko na walang kalaban na susunod sa inyo sa loob." sagot naman ni Ba'i Arao sa katanugan ni Haliya. "Masyado nang nagiging delikado ang sitwasyon nating lahat. Kailangan nating mag-ingat sa posibilidad na maari tayong atakihin bigla ng Konseho sa kahit anong oras at panahon. Pinangako ko kay Sultana Bu'an at kay Rani Lilagretha ang inyong kaligtasan. Ito ay aking panghahawakan at tutuparin." Determinadong pagtatapos niya.

"Marami pong salamat sa inyong pagtanggol sa amin, Ba'i. Mag-ingat po kayo." wika naman ni Haliya na nagpakita ng paggalang sa Ba'i bago siya tuluyang sumama kay Sidapa. "Halina, tuklasin natin ang katotohanan, Sidapa." pahayag ng dalaga na mahigpit na humawak sa kamay ng lakan at nagmadaling naglakad papasok sa mausoleo.

Sa tulong ng katawan ni Ba'i Tala na nagningning ang katawan, napailawan ang madilim at makipot na lagusan pababa sa kunubling palasyo sa isla ng Hinikalimtan Bulawan.

"Ba'i, kung inyong mararapatin ay may nais akong itanong sa inyo." paalam ni Rosendo na may nais malaman na impormasyon mula sa Ba'i. Isang tango mula sa binibini ang nagbigay ng hudyat sa kanya upang magpatuloy. "Ano po totoong nangyari sa isla? Bakit ito nakubli sa bituka ng dagat-dagatang disyerto?"

ATAS: Ang Misyon ng DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon