Otso: Ang Bihag

449 31 11
                                    

Medyo nagiging mabilis po ang ating update. Sana manatili ang aking kakayahang ma-sustain ang ang mabilis at maayos na abilidad na mag-update. Nawa'y makisama ang aking trabaho upang maging smooth sailing ang lahat ng aking plano para sa Atas :-)

Guys, as of this writing, mayroon na tayong 12 likes sa Official FB Page ko. Ang link po ay:


https://www.

facebook

.com/lawrence087770


Sana dumami pa tayo! Please share your warm support :-)


This update goes out to @TECHKILLA :-) Ikaw kasi ang nagbigay sa akin ng idea to take this story to the next level :-) Thanks sa inyong lahat! Please be and bear with me till the very end!


-Kuya Lawrence :D

--

"Nasa aking mga kamay na ang mga anito nina Dian Masalanta, Loos Klagan, Sirinan at Kadaklan. Pinahirapan ako ni Kadaklan sa pagwasak niya sa kanyang sariling anito ngunit hindi pa din nagbabago ang aking kinakailangan sa rito: ang anito ng lahat ng lakan at lakambini, buo man o hindi. Ang mahalaga ay nasa akin kahit ang piraso ng kanilang mga anito. Sa Tawalisi naman ako tutungo ngayon. Panahon na upang-"

Naputol ang pagsasalita ng Dakilang Kasamaan sa kanyang sarili noong may biglang nagpumiglas sa loob ng kanyang isipan. Wala itong iba kundi ang malay ni Urduja. Muntik pang malaglag mula sa himpapawid ang katawan ng dalaga matapos nitong makipag-agawan para sa kalamnan. Sa huli, nanaig pa din ang presensya ng Dakilang Kasamaan sa dalaga.

"Palabasin mo ako dito! Anong ginagawa mo sa katawan mo! Itigil mo na 'to, pakawalan mo ako!" pagpupumiglas ni Urduja sa loob ng isip ng Dakilang Kasamaan.

Pumikit ang Dakilang Kasamaan at sumisid patungo sa kailaliman ng kanyang kamalayan. Sa loob ng malalim at madilim na silid sa kanyang isipan, naroon nakatali si Urduja, na tanging mga kadenang nakapulupot sa kanya ang nagsilbi niyang kasuotan.

"Hindi pa pala sapat ang nilapat kong tanikala sa iyo. Marahil ito'y makakatulong upang manahimik ka na sa aking kamalayan!" sigaw ng Dakilang Kasamaan na gumawa ng maitim at mahabang espada sa pareho niyang mga kamay. Sabay niya ito sinaksak sa mga braso ni Urduja. Hindi pa ito nakuntento at gumawa ito muli ng dalawang espadang kanyang tinarak sa magkabilang hita ng dalaga. Naulit pa ang paggawa ng dalawang espada at ngayon nama'y sinaksak niya ito sa dibdib at tiyan ng kaawa-awang dilag.

Umalingawngaw ang nakakadurog-pusong hiyaw ni Urduja. Dumanak ang dugo mula sa kanyang katawan. Nanginig ang dalaga sa sobrang sakit na kanyang naramdaman. Nawalan na siya ng kakayahang umiyak at lumuha. Tanging sakit at pighati ang pumuno sa kanyang puso't isipan. Mahina man, pinilit magsalita ng dalaga laban sa Dakilang Kasamaan. "Pa...ta..yin... mo... na... ak-" at hindi na niya nagawang tapusin ang nais sabihin dahil tuluyan na siyang pinanawan ng diwa.

Marahang nilapit ng Dakilang Kasamaan ang kanyang labi sa tenga ni Urduja. "Hindi ka maaring mamatay, Urduja... Kailangan ko pa ang iyong laman, para sa ganap at muli kong pagbangon mula sa aking kamatayan. Tinitiyak ko na hindi ka na makakaahon pa mula sa pagkakalunod mo sa aking kadiliman." Bago nagpatuloy ang Dakilang Kasamaan ay kumumpas ito sa kanyang mga kamay at bumuo ng pulang usok na dahan-dahang nitong hinipan sa mukha ng dalaga. "Bibigyan kita ng matamis na panaginip... Isang panaginip na kamamatayan mo sa tuwa." Pagtatapos nito na makalipas lamang ng ibang sandali ay humawi ng hangin sa kawalan at bumuo ng isang anino na hugis tao na may tangang espada. "Alalahanin mo ang iyong kapatid, si Haliya. At sa bawat gunita mo sa kanya, ISANG SAKSAK SA IYONG KATAWAN ANG IYONG MARARAMDAMAN! MATA MO LAMANG ANG WALANG SUGAT! SUMPAIN MO ANG IYONG BUHAY, SUMPAIN MO ANG KAPATID MONG DINALA KA SA impiyerno NG BUHAY!"

ATAS: Ang Misyon ng DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon